Wednesday, July 13, 2011

ZESTO AIR

 Hello, I'm back! Minsan na nga lang ang mga posts, magsusulat pa ako tungkol na naman sa isang reklamo sa airline service. Mauna na po ang aking paumanhin.

Itago natin sa pangalang "Zesto Air" ang irereklamo kong airline para hindi masiyadong halata at para fair naman sa kanila, baka lalo silang mawalan ng mga pasahero. Nag-post na ako dati ng reklamo tungkol sa isa pang airline na itago natin sa pangalang "Cebu Falicfic" (salamat sa idea, AdroidEnteng!). Ito ang related entry ko dati, click here.

Life changing talaga ang experience namin sa Zesto Air. Never in my wildest dreams na inakala kong aabutin namin ang ganon. Ang aming previous experience sa Cebu Falicfic ay nagmistulang walk in the park, isang cute na pagkakamali, chicken feed lang.

Noong February, nagbook kami ng flights to Boracay via Kalibo. Wow, 1000 pesos, balikan na. Bongga. Book naman kami. (Ang airline nga pala na ito ay banned sa Caticlan, dahil sila lang naman ang sumira sa pader doon nang lumagpas ang eroplano - bakit ba hindi ito nagsilbing babala sa amin? Oh well.)

Two weeks ago, kami ay nakatakda nang lumipad patungong Boracay. Isang problema: nadiscover ng isa naming kasama na buntis siya at medyo sensitive ang pagbubuntis kaya hindi na sila makakasama ng husband niya. Tawag ako sa Zesto Air to cancel, kasi baka ma-no show at macharge ang credit card. Just to be sure.

After 10 minutes ng ringback, may sumagot na agent sa wakas. Naconfirm naman nila ang mga nais kong ipa-cancel. Before ko ibaba ang phone:

Zesto Air: Ma'am, by the way, namove nga po pala ang inyong flight to Kalibo. From 7:15 am, 10:00 am na po siya...
Ako: Ha? Kung hindi pa ako tumawag, hindi ko pala malalaman?
Zesto Air: Ma'am, may record naman po dito na na-inform kayo...
Ako:(Sino nakausap niyo? Doppelganger ko? Engkanto?) Ah okay. Next time siguraduhin niyong may confirmation from the passenger na alam nila ang flight changes ha. *blag*

Joke lang, hindi ko naman siya binagsakan ng phone.

Dumating ang araw ng aming flight. Siyempre naka-summer outfit na kami. Halata mo rin sa airport kung sino ang mga pupunta ng Kalibo or Caticlan, mga naka-shades kahit madilim sa loob, mga naka-shorts, naka buri hat wala namang araw, mga ganun. 8 am pa lang, nagcheck in na kami. Two hours before the flight daw dapat nandun na. Boarding time is at 9:30 am.

Well, well, well, balon. 10:00 am na, which is the ETD, hindi pa rin kami nagbo-board. Sa receiving desk, dumadami nang dumadami ang mga tao. May kaguluhan. Lapit din kami. Aba! Ang flight daw namin ay na-move to 12 noon. Abaaaa...

Kami naman, okay, fine. Seat sale eh. Hintay ulit.

Pagdating ng 11:30 am, tila wala na namang kung anong sign na magbo-board kami. Muling nagkumpulan ang mga tao. Na move na daw ng 2:00 pm! Gumigising-gising pa ako nang maaga, foot-tah-rah-geese. Nalaman-laman namin na lahat ng flights, delayed. Hindi lang ang sa amin. kaya pala ang mga floral outfits nina ate sa kabila, nanguluntoy na. Ang white na maxi dress ni Madame, tila nangungutim na. Ang mga Oakley at Ray Ban na shades, hindi na pangporma, kung hindi pangtakip ng mata habang natutulog para kunwari gising.

Total time of delay from the original ETD: 7 hours. Yung iba, 3:00 am pa nandun, 1:00 pm nakaalis, maswerte pa pala kami. May mga kwento pa na inabot sila ng 16 hours. Ang hirap ng seat sale. Yung natitipid mo ibibili mo ng Calcibloc or kamatis para pangontra ng high blood.

Sa sobrang OA ng delay ng Zesto Air, alam niyo ba na nagkaroon pa ng blogging contest para dito?

Nabiktima na rin ba kayo ng mga tulad ng Zesto Air?

6 comments:

  1. buti nakalipad pa po kayo, hehe!

    ReplyDelete
  2. Super sakit sa ulo non ah. Yung ibang airline tulad niyang zesto air na yan, wala pakialam sa pasahero. Walang galang sa time ng mga tao. hindi sila professional. yung ganong mga ways, walang pinagkaiba sa mga driver ng colorum na kuliglig sa manila. Haays...

    ReplyDelete
  3. parang narinig ko na rin yang ganyan kwento sa ate ko, delay din sila...

    napadaan po :)

    http://fromthedungeon.com

    ReplyDelete
  4. grabe. kailangan may dala kang paglilibangan kung sasakay ka sa airline na yan. Magdala ka ng pinball machine

    ReplyDelete
  5. aww parang mali ata yong comment ko lol ndi ata yon dito but doon sa may soldier bag lol

    ReplyDelete
  6. nako. grabe naman yang zesto air na yan x) kung anu man tunay na pangalan nyan

    |Playgroup Singapore

    ReplyDelete