Friday, January 14, 2011

CEBU PAC, PAK YU! (In Tagalog, balutin ka!)

Hindi ko inakala na magiging isa ako sa biktima ng cheap service ng Cebu Pacific. Never.

Pero nagkatotoo ang "wish" ko. *gosh*

Sabi ng mga kaibigan ko, nung araw ng aking flight pabalik na Manila from Cebu, hanggang TV daw ay nabalita ang aberyang nagaganap sa mga flights sa Cebu Pacific. Nasaksihan namin ang lahat ng ito: habang naghihintay sa boarding gate, kitang-kita namin ang mga aberya. Bacolod: delayed. Davao: delayed. Incheon: delayed. Manila: delayed. At hindi lamang ito matter of minutes. Oras mga dudes. Isang oras, dalawang oras, apat na oras.

Ang aga pa naman naming gumising, bwiset. 9:45 am yung flight so mga 6:30 pa lang nag-prepare na kami para nasa airport na kami the latest 8:30 am, since domestic flight naman. 9:45 ang ETD so ang ETA sa Manila is 11:00 am.

May nakita kaming naka post na bond paper sa taas ng check in counter for Manila, "11:50 am". Potek akala ko bagong estimated time of arrival sa Manila yun pala yun pa lang yung estimated time of departure from Cebu! Yehehes, delayed ng 2 oras ang flight namin, at nasa airport na kami an hour and a half earlier so kumusta naman ang TATLONG ORAS AT KALAHATI na paghihintay?!

Feeling calmado, lumapit kami sa check in counter.

"Excuse me, bakit parang wala ata kaming natanggap na notification na delayed ang flight namin?"
"Ah Ma'am kasi yung nauna pong flight sa inyo, nasabihan naman po about the delay. Yung passengers lang sa flight niyo lang ang hindi na-notify kasi late na nadetect ang aircraft." (Labo)
"Ganon..."

GANON?! Parang sinabi mo na nadetect ng doctor na may cancer yung pasyente pero since stage 4 na huwag na lang natin sabihin sa kaniya.

But wait there's more!

After mag-check in, natanggap na namin na delayed talaga ang flight. We proceeded to the boarding gate para magpatubo ng ugat. Habang palapit sa final x-ray, hinarang kami ng isang ground personnel ng Cebu Pacific.

"Danggit po ba iyang dala niyo Sir?"
"Oo."
"Bawal po iyan. Paki check in na lang po."

Pumunta ang mga hitad sa check in counter (na naman). Hindi daw puede ang plastic bag lang sa check in. (Malamang!) Bumili daw kami ng mga box sa mga souvenir shops sa tabi tabi. Which we did.

Bili ng box. Balik sa counter.

"Ayan, okay na po iyan. You just need to pay 400 pesos..."

HUWAAAAAAAT?!

"Asan ang supervisor niyo?" (Katabi ko pala)
"Ano po iyon?"
"Baka naman puedeng since delayed ng OA yung flight ninyo, trade off tayo. Huwag niyo na lang kami pagbayarin ng 400 pesos..."
"Hindi po talaga puede, nasa Terms and Conditions po iyan..." (Na bawal ang danggit? Saan dun?)

We checked the box in anyway. We paid 400 pesos.

Ang masasabi ko lang ay:

1. Cheap fare, cheap customer service. Hindi ako nagugulat ang dami niyong reklamo at demanda.
2. Wala kaming narinig na APOLOGY sa lahat ng usapan na naganap. Zero. Null. Nada.
3. Mag-ingat sa Cebu Pacific! THEY SHOW NO MERCY!
4. Go Lite ang fare namin, okay. Pag may eventual check in baggage, babayaran, okay. I agreed to the terms and conditions, okay. Pero nyemas mas mahal pa yung box at fee dun sa 3/4 na danggit, mga hinayupak kayo. Ilagay niyo kaya yung danggit clause sa terms and conditions niyo!!!

WAIT! THERE'S MORE!

Nalaman-laman ko lang, yung friend ko na kagagaling din lang nang Cebu, NAG HAND CARRY NG DANGGIT, DRIED PUSIT, CEBU LECHON at PATIS. Hindi naman daw siya hinarang whatsoever.

Kaya Cebu Pacific, PAK YU!!

11 comments:

  1. Alam ko no laughing matter 'to.. pero natuwa ako sa mga side comments dun sa pag-narrate mo ng experience mo. Ang masasabi ko lang, sana umayos na ang cebu pacific. left and right ang mga promos, delayed naman pala :| kaya ako, PAL talaga e. kahit mas mahal, at least yung service naman di hamak mas maganda kesa sa cebu pacific. hindi kaya kaya nila nagagawa yun e dahil alam naman nila mura lang yung fares na inoffer nila, kaya sa tingin nila may karapatan sila sa mapangit na service/delayed flights nila? HAAAY. ano ba yun.

    ReplyDelete
  2. grabe sa experience. ang gastos ng pagdala ng danggit.

    ReplyDelete
  3. yan ang kabulukan ng sistema.. i think hindi lang jan sa CEBU pacific, kundi marami pa. Sana man lang nga humingi sila ng apology but since no choice ang costumer, nagyayabang yabangan sila.

    tsk tsk.. sistema na yan.

    ReplyDelete
  4. waaah!kaya pala ayaw ng school namin sa CP..puro PAL kami sa school mahala masyado pero pinakaok ang service..tsaka bakit bawal ang danggit?tsk

    ReplyDelete
  5. seat sale seat sale pang nalalaman... bulok naman sistema. pweh. tama kayo, mas OK talaga ang PAL. may free pang snacks!! :p

    ReplyDelete
  6. ohmygosssh. baket ganon?! nakakainit nga ng ulo. jusko. baka kung kelan lang nila trip mangharang. :|

    ReplyDelete
  7. grabe naman pala yung cebu palikpik..ahahaha...

    ReplyDelete
  8. well im a frequent flier due to business trips for the company. and it was hell when they decide na mag tipid and choose cebu pacific as our usual plane ride...

    very dissapointing talaga heres my reasons why...

    1. super bagal ng check in sa counter... as in super sa lahat ata ng probinsya! they are trained to be slow thats what! at ang tataray ng mga lolo at lola mo sa counter ah amazing talaga!

    2. rude and impolite attendants... very unproffesional... mag chizmisan tau habang rinig na rinig ng mga pasahero. tsk tsk tsk

    3. ISTORBO SA NATUTULOG! hala sige mag palaru habang resting ang most of the passengers...

    4. always delayed flights... bilng ko ata sa kamay ko ang time na hindi sila na delayed.

    5. sky high ang ang prices ng pagkain... dun nlng ako sa libreng mani sa PAL. mahal nga flights but service is very good!


    All in all, CEBU PACIFIC is all for business and not for service. YEah mahal sa PAL or in any other carriers, its just that sna hindi nawawala ang QUALITY SERVICE! sa inyu nlng ang cheap fare nyu kung ang naka salalay ay ang stress level ko noh! hahahahaha

    ReplyDelete
  9. ahh nga pla... addition lng... we use PAL parin nmn... depende nga lng sa flight schedule... and notice the tickets... sa cebu pacfc... tape reciepts para kang kumain sa jolbee hahaha! wala lang... sabi ko nga mura eh... pti service mura din hihih =P

    ReplyDelete
  10. guess what, we experienced terrible service again last week! argh! PAL or even Zest Air na lang kami from now on. grrrrrrrrrr

    ReplyDelete
  11. nakakatuwa ang experience mong ito dahil sa pagkakakwento mo. Pero marami na akong naririnig na reklamo sa airlines na ito.magayos naman kayo di na ito nakakatuwa. May pabaya diyan yan ang ankaka erita.

    ReplyDelete