Wednesday, June 30, 2010

monologue

Nakakainis.

Minsan, kapag payday, imbes na matuwa ka at isipin ang lahat ng luho mong mapagbibigyan mo na naman, ang pumapasok sa isip mo eh ganito na lang ba ang buhay ng tao, maghintay ng payslips?

May times talaga na ang isang buong sweldo ay dadaan lang from ATM straight to different destinations: rent sa apartment, regalo sa Father's Day, budget sa food and groceries, pamasahe at extra money para pantawid sa next payday.

Makaipon man, hindi naman magalaw, lalo kung sa luho lang igagastos. Sayang ang pinag-ipunan. Hindi maeenjoy ang luho knowing na binawasan ang pera sa bank para lang dun.

Kaya hihintayin na lang ang next payslip. Tapos surprise! May emergency gastos.

Nabuhay na lang ba ang tao para magtrabaho?

Money does make the world go round. You can disagree with me all day, pero hindi iikot ang mundo mo kung wala kang pera.

Ang tao hindi lang sa tinapay nabubuhay? Yeah right. Sige alisin lahat ng pera pambili ng food. Sino tutulong sayo, magulang mo? Nakakahiya humingi ng pera sa kanila kung may trabaho na. Kaibigan? Oo pero utang. Kapitbahay? Good luck.

Mas mahalaga ang mga bagay na hindi nakikita keysa sa pera? OK, mas mahalaga ang love? Anong need ng tao ang sinasatisfy ng love, hindi ba self-actualization whatever according to Maslow's Hierarchy of needs. At hindi ka aabot dun sa self-actualization kung hindi na-satisfy ang basic need, which is pagkain, shelter, etc.

Sooner or later, kakainin mo ang sinabi mong "Hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao", or hindi ka kakain at all.

Kaya OK ang magkaroon ng trabaho, ng more-than-enough na sweldo. Para mag-ipon. Magbanat ng buto para magkapera.

Nagbabayad ka ng SSS, PAGIBIG, Philhealth, para pag nagkasakit at namatay ka sa pagbabanat ng buto, may sasagot sayo.

Come to think of it, ang pinag-iipunan mo eh ang sarili mong puntod.

Hindi mo maenjoy ang sweldo mo. Sa utak mo, dini-divide mo na ang pupuntahan ng bawat libo.

Nagtitipid ka sa araw ng payday.

Nakakainis.

Saturday, June 19, 2010

the air they breathe


working in a company for almost four years is no joke. since the first day i stepped on that office, i was "their" favorite. Let's just say that those people really really like to gossip and seems to live thier lives prying on other people.


They seem to hate others like hell. They only see what they want to see. for example... one department has 3 boys, and they are my barkada. since we're all close... they said that, "siguro boyfriend mo sya. close kasi kau"... and "ikaw ah sinu ba tlaga sa knila?" so highschool dont you think? and if im on travel (official bussiness trips) they will say... "oh san nmn ang gala nyo? kayo ah panay bakasyon"


during lunch time, i also heared from people that they talked about our lives. like me in particular is so maarte and noisy evertime i go down in their department. that i have a lot of boys around. geez!!! they even asked the utility personnel to listen what were talking about in our department. we were always suprised that everytime we plan to hangout, they always know where were going. AMAZING! its like the walls have ears.


people in this company lives thru gossip, its the air they breathe. their habit of talking about the lives of others, insulting and making fun of them in the process is really getting out of hand. one of our officemate of was accused of being a quirida of someones husband. thanks to the story they made out of wrong judgement, the wife called to the office and gave her a life threat!


in the company where im working for four years, im still learning. knowing less means your safe, and minding your own business is a priority. to hell with all their nasty rumors and stories with no proof. i pity them really. its seems that theres nothing good in thier lives that they enjoy talking about others.


i just do pray that, they would just stop!

Friday, June 18, 2010

Tent

Kahapon, pumunta akong school para kunin ang mga pinaphotocopy ko sa may mendiola. Galing ng Legarda station, dumaan ako sa gilid ng estero. Ang taas ng tirik ng araw, tagaktak ang pawis ko.

Nung nakuha ko na ang readings ko. Bumalik na ako sa Legarda train station. Kailangan ko ulit dumaan sa "parehong" gilid ng estero na dinaanan ko nung pumunta ako ng mendiola.

Lahat ng estudyante doon dumadaan. Mabaho ang maitim na tubig ng estero na nilagyan lang ng railings. Ang daanan ay kasing lapad lamang ng isang masikip na eskinita. Sa kabilang  banda, may construction na nagaganap, may tinatayo na isang maliit ng gusali. Nagmamartilyo, naghihinang at nagkakabit ng mga bakal ang mga karipintero. Maingay, magulo, mabaho, busying busy ang daanan na ito, na sinasabayan pa ang tindi ng sikat ng araw.

Nung malapit na ako sa istasyong ng train, meron akong nakitang tent na bahagyang natatakpan ng tarpaulin. Meron isang ale na kumakain ng tuyo sa gilid. Naaninag ko din na mayroong maliit na podium. Sa podium na yon, merong mga deck ng  braha, meron din parang notebook. Tumingin tingin pa ako, at nakita ko na merong ding kandila at cardboard na box na may nakasulat na "donation". Tumingin-tingin pa ako at saka ko lang nadiskubre kung ano talaga ang nasa loob ng tent.

Kabaong.

Bilad sa init ng araw na sumisingaw sa loob ng tent ang puting kabaong na ito. Walang halos nagbabantay. Nakaratay sa gilid ng estero, at halos sa tabi ng isang construction site. Nadadaan-daanan lang ng mga estudyante at ng iba pang mga tao na tila wala naman pakialam, at kung may pakialam man, hindi naman nila alam kung anong gagawain nila.

Pumasok ako sa tent. Hindi ako napansin ng ale. Tumayo ako sa harap ng kabaong at nakita ko ang bangkay ng isang babae.

Ipinagdasal ko siya.

Kinapa ko ang bulsa ko kung meron pa akong natitirang pera. Hinulog ko nalang ito sa donation box.

Nung ako ay paalis na, saka palang ako napansin ng ale na kumakain ng tuyo na nadoon pala ako. Tila yata nagulat siya na matagal na ako nandoon. "Salamat." Sabi niya.


"Nakikiramay po."- yon na lamang ang nasabi ko habang papalabas ng tent.

Thursday, June 17, 2010

randoms pt. 1: girls

Makapag-randoms nga rin...
  • In-add ako sa Facebook nung kaklase kong babae nung Grade 2, si Rika. Uhugin sya noon. Umulan man o umaraw, may uhog sya sa pisngi. Sya ang patunay na there are two constant things in life, CHANGE at COLDS. After seventeen years, ngayon ko na lang sya uli nakita. Pilit kong inaaninag sa picture nya kung may uhog pa rin ba sya. Hindi ko tuloy agad napansin ang malaki at bilugang "tumor" sa tiyan nya.

    Ganyan talaga ang buhay, ang uhugin noon, mukhang "nauhugan" ngayon if you know what I mean.

  • Nakapila ako sa KFC kanina, pumila ako sa likod ng isang babaeng mataba. Ang tagal ng order nya, nagbukas na ang kabilang counter kaya lumipat ako, at nag-order ng 1-piece. Wala na raw thigh part kaya tinanggap ko na ang leg.

    Habang hinihintay ang order ko, naririnig ko ang diskusyon ng babae at ng crew. "Anong walang big parts? That's impossible, I can't believe walang big parts! Check again!"

    Umalis yung crew, pagbalik kasama ang Manager. "Did I ask for your Manager? No!" Nag-apologize ang manager, wala pa raw talagang naluluto kasi naubos agad at kakasalang pa lang ng bagong batch. Dumating na ang order ko, naupo na ako at kumain.

    To cut the long story short, tapos na akong kumain at paalis na ako ng KFC, ang babaeng mataba, nakapila pa rin. Isang araw, ikamamatay nya ang kaartehan nya. Kung ako ang crew, sisiguraduhin kong big part ang mapupunta sa kanya. With a little extra.

  • Nakachat ko ang bestfriend kong babae sa Facebook. Nagpapatulong sya, paano nya raw ba sasabihin sa kaibigan nyang babae na ayaw nya na maging kaibigan yung babaeng yun.

    Akala ko madali lang, hindi pala. Inabot kami ng kalahating oras, at hindi pa rin namin nasosolve ang problema nya. Ang solusyon eh magparinig sa Facebook status message. Haizt. Major crisis.

Tuesday, June 15, 2010

Sulat



Isip wari'y lumilipad at napadpad sa kawalan
Tulala ngunit may luhang dumadaloy saking mukha
Di ko alam kung bakit ko pa rin nararamdaman ang sakit na matagal na dapat ng kalimutan.

-----
Kanina habang ako'y naglilinis ng aking mga gamit
Nakita ko yung kahon na matagal ko ng tinatago at di nabubuksan.
Ang kahon na pinaglalagyan ng mga sulat mo
Ang mga sulat na matagal kong tinago at di magawang itapon o sunugin.
Ang mga sulat kung san nakasulat ang mga pangako mo na di natupad
Ang sulat na may mga linyang tumatak saking puso't isipan.

Naalala ko pa ang unang sulat kong natanggap
Ang saya saya ko nun dahil di ko inaasahan na makakatanggap ako ng sulat mula sa iyo...
"Ikaw ang unang babae kong minahal at ako'y nagpapasalamat sa wagas na pag-ibig na iyong pinadama"..Malayo man tayo sa isa't isa asahan mong mamahalin kita gaya ng pagmamahal mo sakin.Pinapangako kong magiging tapat ako sa iyo gaya ng pinangako mo sakin.

Para akong nasa alapaap habang binabasa ko ang unang sulat na aking natanggap. Halos oras oras binabasa ko yun ng paulit ulit. Ninanamnam ang matamis na mensahe nito.

Halos lingo lingo may sulat akong natatanggap mula sa iyo.
Linggo linggo pinapahiwatig mo ang iyong wagas na pag-ibig sa mga sulat mo.

Ngunit ilang araw bago sumapit ang ating unang anniversary may natanggap akong sulat mula sa iyo......
Dali dali ko iyong binasa dahil matagal tagal na din di ako nakatanggap ng sulat mula sa iyo..(Sinulatan kita pero di ka naman sumagot. Nag-alala na ako sayo nun pero di naman kita mapuntahan kung nasan ka nun dahil ang layo mo sa kinalalagyan ko)
Habang binabasa ko ang sulat mo di ko namamalayan tumutula na pala ang luha ko,
Di ko namalayan nasasaktan na pala ako
Di ko namalayan na iyon na pala ang katapusan ng pag-ibig mo para sakin.

Sa mga pagkakataong yun di ko alam ang aking gagawin
Di ko alam kung sino ang aking sisihin
Nagkulang ba ako?
Nagkasala ba ako?
Ano bang maling nagawa ko o sadyang hanggang doon nalang talaga...

------
Kaya ngayong araw na ito, pagkalipas ng 1 taong pagkakatago ko sa inyo
Eh palalayain ko na kayo kasabay ng paglaya sa nakaraan
Oo, 1 taon akong nakulong sa nakaraan
1 taong pilit hanapin ang aking sarili ngunit ako'y nawawala pa rin
1 taong pilit ihakbang ang aking mga paa paabante ngunit hinihila ako ng kahapon.

Pero ngaun matapang ko ng haharapin ang katotohanan
Ang katotohanang wala na talaga
At kailangan ng magpatuloy sa aking buhay.....

Sa pagsindi ko ng apoy sa mga sulat na matagal kong tinago eh ay ang aking pamaalam sa IYO.
Sa iyo na aking minahal ng lubusan
Sa iyo na aking pinagkatiwalaan
Sa iyo na naging inspirasyon at nagbigay kasiyahan
Sa iyo na unang nagpatibok at sumugat saking puso
Sa iyo na nagbigay sakin ng lakas tuwing ako'y nanghihina
Sa iyo na nagdulot ng sakit at hapis

Paalam Sa Iyo at sa mga Sulat mo na nagbigay ngiti at luha saking puso't isipan.



Pasukan na naman!

Magpapasukan na naman. Magraaral na naman ako. di pa nga ako nakakapahinga at nakakapagbakasyon mula nung mga klase ko nung tag-init, ay magkaklase nanaman.

Pumunta ako sa iskwelahan para mag-enrol. Napaka-init ng panahon. Napakatindi ng sikat ng araw. Kakaligo ko lang ay parang naligo na naman ako sa pawis. Ang haba ng pila sa Dean's office, ang daming tao. Nakakainis ang mga guard, parang walang sistema ang pagpila. May numero daw, ngunit wala naman akong nakikitang numerong ibinibigay. Buti na lang ay nakita ako ang mga kasamahan ko sa Bar Operations Committee. Pinauna kaming papasukin sa loob upang makapag-enrol. Napakaswerte ko at isa ako sa kanila. Ngunit kailangan daw namin magcollate ng gabundok na notes para sa mga barrista. Ang haba ng prosesong dapat gawin, pagkuha ng clearance, pagkuha ng enrollment form, pasulat sa napakahabang inpormasyon, pagpila sa pagrerehistro ng mga subject na kinuha mo, pagpapa-approve sa napakasungit at nakakatakot na administrator, pagpila sa encoding, pagpila sa cashier, at ang pinakamadali at huling huli, pagpaparehistro sa library.

Ang saya ko ng matapos ko ang page-enrol. Parang natapos ko ang nakakahilong proseso sa loob ng buong hapon lamang. Buti na lang ay may mga kasabay akong mga kaibigan na nging mga klasmeyt ko sa ibang subjects dati. Nakakalungkot lang dahil ang mga kachokaran ko na sina Mr. Panda at Kiel ay hindi ko magiging kaklase sa kahit anong subject.

At ngayon, malalaman ko pang mali sa schedule ko pag sabado dahil magkakaroon ng problema sa pagpapapraktis ko ng wushu. Kaya bukas na bukas ay magpapalit ako ng subject pag sabado...sana naman ay may subject pa akong pwedeng isingit pag sabado...hay! Buhay mag-aaral nga naman...

Monday, June 14, 2010

Habang may ulirat pa ako.

Araw-araw, unti-unti akong nabubuo. Parang hollow blocks na isa-isang pinapatong at sinisemento.

Nagkakaroon na ako ng mata. Nakikita ko ang tubig kung saan ako lumulutang, sa loob ng katawan ng nanay ko. Excited na akong makita siya! Para siyang artista. Alam ko andyan siya, pero hindi ko alam kung ano itsura niya.Gusto ko na rin makita ang tatay ko. Kamukha ko kaya siya? Gusto kong malaman kung ano ang pakiramdam ng hinahaplos ako ng nanay ko, yung pakiramdam ng kinakarga ako ng tatay ko. Marami akong gustong makita sa mundong dadatnan ko pag nakalabas na ako.



Maliit pa lang mga kamay at paa ko. Kaya nakalutang lang muna ako. Hinihintay ko yung araw na lalabas na ako sa mundo. Siyempre, dahil maliit pa ako, magsisimula ako sa pag gapang. Sunod, matututo ako maglakad. At balang araw, tatakbo din ako. Andito pa lang ako sa tiyan ng ina ko, marami na akong pangarap para sa buhay ko.

Gusto ko maging doktor. O kaya maging singer. O kaya maging artista. Tignan mo? Malulula na ako sa kakaisip.




Teka. Teka lang! Parang may humuhugot sa akin. Ang sakit sakit. Aray! Naku, patuloy pa yung paghatak. Nahihilo ako. At parang lumalabas ako sa katawan ng nanay ko. Pero parang di pa ito ang tamang panahon. Ang liit liit ko pa. Hindi ako makahinga. Mali! Mali ito talaga.



Bakit ako nandito? Para akong nasa isang silid na paikot. At hindi ito yung tubig ng nanay ko. Iba yung nararamdaman ko. Unti-unti na ang akong nawawalan ng ulirat. Hindi na ako makakita. Hindi na ako makapag-isip. Dumidilim na ang paningin ko.

Ganito na lang pala. Hindi ko na pala makikita ang nanay ko. Ang tatay ko. Hindi ko na mararamdaman ang paghaplos ng nanay ko, ang pagbuhat ng tatay ko. Hindi ko na makikita ang mga puno, ang magiging tahanan ko. Hindi ko makikita ang tubig ulan. Hindi ko na maririnig ang huni ng ibon.

At higit sa lahat, hindi na magkakatotoo ang mga pangarap ko. Habang buhay na siguro akong nasa loob ng munting silid na bilog na may tubig na tuwing sinusubukan kong mabuhay, ay unti-unti akong sinasaktan.

Paalam na sa nanay at tatay ko. Ito na ang mensahe ko habang may ulirat pa ako.