Friday, May 21, 2010

Ma! Anong Ginagawa Mo?

Pagod na pagod ako galing school. 8:00 na ng gabi, gutom na gutom narin ako at pawis dahil sobrang init at dahil nahirapan akong sumakay.

Kumatok ako sa bahay namin, pero bukas naman ito kaya pumasok nalang ako.

Walang tao. Madilim. Halos nakapatay lahat ng ilaw.

May narinig akong kumaluskos sa second floor ng bahay namin. Tinignan ko ang hagdan. Galing ito sa kwarto ko. Ang kwarto ko lang ang bukas ang ilaw sa taas.

Umakyat ako, para malaman ko kung sino ang nasa loob ng kwarto ko.

"Ma! anong ginagawa mo?" - ang sabi ko sa nanay ko na nakita ko na may hawak ng walis at dust pan.

"Anak nililinis ko ang room mo." - pawis na pawis siya at busying-busy pero kalmado niya ito sinabi sakin.

"Ma hindi mo na kailangan gawin yan. Gabi na. Magpahinga ka na. Ako nalang ang gagawa niyan bukas."

"Hayaan mo na anak, in the zone ako ko eh (nasa mood daw siya maglinis).

"Sigurado ka ba ma? Guso mo tulungan kita?"

"Hindi na anak, ok lang ako. Kumain ka na sa baba." - (sinabi niya ito habang nirere-arange niya ang kama ko na sobrang bigat.

Hinayaan ko lang ang nanay ko, dahil ayaw niya talaga magpatulong. Tapos narin naman niya ilipat ang kama ko.

Kumain ako, nagshower, at naginternet sa baba ng bahay namin. Lumipas ang ilang oras, kailangan ko ng matulog, ako nalang din ang gising.

Umakyat ako. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at nagulat ako sa nakita ko. ALAM KO NA kung bakit excited ang nanay ko maglinis.

Eto ang dahilan....




Gusto pala niyang palitan ang bed sheet ko ng SPONGE BOB! 

Thanks ma sa pag linis ng kuwarto ko - pero promise ang lakas mo man trip! hehehe

Tuesday, May 11, 2010

Maid namin naglayas

Yung maid namain naglayas kanina. Nagising siya ng maaga at nagimpake ng gamit. Pano namin nalaman na naglayas nga siya? Nagtext siya.

"Koya, lumayas ako at pumunta ako sa pinsan ko. Ayaw ko na dito sa manila, pasabi sa tatay niyo na ibili niya ako ng tiket pabalik samin. Pasabi din sa tatay mo na huwag niyang sabihin sa nanay ko na naglayas ako kung gusto pa nila ako makita."

Anak ng tinapa naman oh. Kakaiba tong maid namin na to. Ang kapal ng mukha. hahahaha..

Lesson learned: dapat laging maging mabait sa maid para hindi lumayas. Ma, relax ka lang kasi, masyado mong pinepressure yung mga maid eh. hahaha  AYAW KO NG HOUSE CHORES! waaaa!