Sunday, April 18, 2010

yes, ikakasal ka na

Hindi biro ang kasal. Maraming nasasakal dahil sa pagpapakasal. Pero ika nga, pag dating sa pagibig bale wala ang mga theories (naks) :)

Meron din naman mga happy endings. Yung friend ko, ikakasal na sa isang Prince Charming. Wala akong nasabi kundi ang payo ng mga lolo natin:

"Tandaan mo iha, ang pagaasawa ay hindi kaning mainit, na pag isinubo at napaso, ay pwede mong iluwa."

Good luck sayo tsong.

Thursday, April 8, 2010

Negosyo

Nagpatayo ng negosyo ang tatay ko. Mejo malaki narin ang nagastos niya, pero may feeling ako na hindi ito kumikita.

Kanina, habang agahan, naguusap ang pamilya tungkol sa status ng negosyo at may mga nasabi ang nanay at tatay ko na nagtransform sakin sa isang migraine boy.

Sabi ng tatay ko,
"...ok lang malugi ang negosyo, ipapasara nalang natin yan kung hindi yon kikita..."

Sabi naman ng nanay ko,
"...Let us forgive ourselves kung magkamali man tayo, trial and error lang talaga..."

Ang kapatid ko naman na lalaki, marami siyang suggestion, at active siya sa lahat ng diskusyon everytime namagkakaroon ng paguusap tungkol sa negosyo. Pero sa bawat idea na maisip niya may idea din ang tatay ko kung bakit hindi yon gagana.

Ang kapatid ko na babae, ang dapat na genral manager ng negosyo, ay kasalukuyang missing in action 10 days na namin hindi nakakausap dahil nasa isang academic training.

Nung matapos na lahat magsalita, nakatingin na sila sakin, ineexpect nila na may sasabihin ako. Pero hindi ako nagsalita. Sabi ko, "wala akong comment" - pero hindi ata nila 'to narinig.

Pero sa totoo lang, marami akong comment. Pero ayaw ko masaktan ang damdamin ng nanay at tatay ko.

Hindi ako business major, wala akong sariling malaking negosyo, maliban sa online shoe store namin ni heart heart. Hindi ako nagmamagaling, pero pagdating sa negosyo meron akong pinaniniwalaan na pilosopiya, base narin sa mga obserbasyon at nababasa ko.

Hindi ok na malugi ang isang negosyo. Hindi maganda na mindset na "ok lang na malugi yon." Failure is not an option. Last resort na yung feeling sorry, pero hindi pa napapanhon yon, dahil nagsisimula pa lang. Hindi mo dapat inaanticipate ang failure.

Failing to plan is planning to fail. Sinabi ko na dati na bago yon ipatayo, gumawa ng feasibility study. Walang feasibility study na ginawa. Nagrely lang sa fact na malapit sa school at sa isang subdivision ang puwesto ng negosyo.

Ang negosyo ay pinagpplanuhan. Sinabi ko narin dati na gumawa ng business plan. Ang business plan ay dapat nasa papel. Naksulat dito ng mga standard procedures kung paano tatakbo ang negosyo. Eto ang pinaka guide book ng negosyo. Sa simula palang, meron ka na dapat idea kung saan, sino, kailan, paano, papatakbuhin ang negosyo. Dapat ay naiimagine mo ang lahat, hanggang sa pinakamaliit na detalye.

Brain storm. Open ka dapat sa lahat ng mga ideas. Ibig sabihin, marunong ka dapat makinig. Hindi mo dapat binabara ang mga tao na may suggestion kung paano mapapalago ang negosyo mo. Kasama narin dito ang pagfeel sa mga customers mo. Nilalagay mo yung paa mo sa sapatos nila.

Ang negosyo na nagsisimula palang ay parang bagong panganak na sangol. Dapat pinagtutuunan ng pansin. Hindi mo lang dapat iniiwan yon sa mga empleyado.

Meron dapat accounting system. Hindi sapat na nililista lang sa logbook lahat ng nabenta. Dapat ina-account mo lahat ng nagastos mo, at lahat ng pumapasok na pera. Yun lang ang paraan para malaman mo kung kumikita ka. Lalo na kung medyo malaki ang puhunan na nilabas mo.

Iba pang pwede magamit na business tools: Benchmarking - dapat ikinukumpara mo ang negosyo mo sa ibang kapareho mo rin na negosyo. Strategic management. Forecasting. At iba pang quality management tools.

Ang point ko lang, hindi porket, may kapital ka, may binebenta ka, at may pwesto ka, e kikita ka na. Art and Science ang pagnenegosyo. Yun ang alam ko.

Hindi lang ako masaya sa narinig ko kaninang umaga. Alam ko naman na pwedeng iapply ang mga nasabi na principles. Ang problema, ayaw lang nila makinig.

Magpatayo daw kami ng sarili naming negosyo sabi ng tatay ko. Tama ba yon?

Simula non, ayaw ko na magbigay ng suggestion ko. Hindi din naman pala hinihingi.

Monday, April 5, 2010

Magulang Pagkukulang

Matagal ng debate sa bahay namin ang refrigerator. Akalain mo ba naman na dahil sa refrigerator ay mahahati ang pamilya namin.

Kadalasan ng nangyayari ang pagkahati ng pamilya namin tungkol sa mga bagay na ganito. Magkakaiba kasi kami ng ugali at pinanggalingan (sabihin nalang natin na ang nanay ko ay dating Disney Princess at ang tatay ko ay dating Shrek).

Mabalik tayo sa simpleng usapan ng ref. Dalawa ang metro ng kuryente ng bahay namin. Dati kasi itong dalawang apartment na ipinag isa. Ang gusto ng nanay ko, yung ref namin ay naka-plug sa kabilang side ng bahay. Feeling kasi niya mas makakatipid sa kuryente pag ganon.

ANG PROBLEMA, ang kusina ay nasa kabilang side naman ng bahay. Siyempre kung nagluluto ka, gusto mo malapit ang ref sa kusina para hindi ka na maglakbay ng sobrang layo.

Ayaw makinig ng nanay ko - mapride siya. Kami namang magkakapatid, kasama ang tatay ko ay hindi payag sa plano niya. Pero kahit anong gawin namin na paliwanag, ayaw talaga niya ilipat. Bumili daw kami ng sarili naming bahay! Bahay daw niya yon. Fine. Wala nalang kami nagawa.

Pero kanina, nagulat ako dahil SA WAKAS binalik niya na ang ref malapit sa kusina.

Natutunan ko na kahit na may pagkakaiba sa bawat miyembro ng isang pamilya, importante parin ang harmony at diplomacy. Lahat nadadaan sa usapan at hindi dapat patagalin ang mga away na wala namang kwenta.

Hindi perpekto ang mga magulang natin. Nagkakaron din sila ng pagkakamali -- minsan maliit, minsan malaki. Minsan madaling mapatawad, minsan HINDI madaling mapatawad.

Pero kahit gaano kalaki pa ng nagawa nilang kasalan, magulang parin natin sila. Huwag naman natin silang bastusin, o basta nalang kalimutan, bagkus unawain at mahalin parin natin sila kahit paano.

At kahit hindi natin mapipili kung sino ang magulang natin, kaya nating piliin na huwag ulitin at gayahin ang mga pagkakamaling nagawa nila.

Saturday, April 3, 2010

Allergy

Wala akong allergy, yon ang lagi kong pinagmamalaki ko sa mga kaibigan ko. Maganda ang genes ko. Wala akong namana na kahit na anong sakit sa mga ninuno ko.

Yung sa motherside ko, puro asthmatic, puro allergic, mejo tabain, mejo sakitin. Wala akong namana na kahit isa don. Ang namana ko ay sa side ng tatay ko, na ang buhay nila ay tumatagal talaga.

Ang napansin ko lang sa katawan ko, kinakagat ako palagi ng lamok. At pag kinakagat nila ako, sa isang spot lang - sa braso. HIndi ko alam kung anong trip ng mga lamok at gustong gusto nila ako kagatin. Naging OC na tuloy ako sa pagpatay ng lamok. Sa bawat oras na makakakita ako ng lamok, automatic na sa akin na patayin sila *pak! ganon, maiipit sila sa pompyang ko, ala FPJ at Manny Pacquiao.

Minsan nga, habang nagaaral ako sa Starbucks, na OC ako kasi ang daming lamok. Natuwa ako kasi marami akong papatayin. So inisa-isa ko sila  *pak! umm.. P@K! dalawa, #Pak! tatlong lamok, Apat, parami ng parami. Nung wala na akong mahuli, narealise ko na ang lahat ng mga tao ay nakatingin sakin. Mukha akong tanga.

Pero kanina, kakaiba ang nangyari - ang daming kong kagat ng lamok. Sampu ang nabilang kong butil ng kagat. Makati ang braso ko, pati ang likod ko. Potek! hinahabol nanaman ako ng mga lamok! Sinubukan ko silang hanapin para patayin, pero hindi ko sila makita. Naisip ko din, pano nila ako makakagat e ang kapal ng t-shirt ko? Posible bang tumagos ang pantusok ng lamok sa makapal na damit?

Pinakita ko sa nanay ko.Allergy daw ito. Pinapainom niya ako ng gamot.

Ayaw ko uminom ng gamot. Hindi ako naniniwala na allergy yon. Wala akong allergy, maganda ang genes ko. Namana ko ito sa father side. Baka kagat lang yon ng mga lamok.

Pero makati na talaga, at parang kumakalat. Naglabas ang tatay ko ng anti-allergy. Masama sa loob ko na uminom ng gamot. Ang liit ng gamot. Paano eepekto to sakin eh ang LIIT ng gamot na to. Mas malaki pa ang langgam dito. Ininom ko parin.

After 5 minutes, unti unting nawala ang kati sa katawan ko. What a relief! - sabi ko. Tas, dahan-dahan, inantok ako at nakatulog.

Pusang gala! lakas ng side effect sakin ng ga-butil na gamot na yon. At MAS MALAKING PUSANG GALA - may allergy nga pala talaga ako.

Friday, April 2, 2010

Isda 50/50

Hindi maganda ang kalagayan ngayon ni Rowena, namumula ang kanyang mata, nanghihina, halos hindi gumagalaw. 50/50 ang buhay niya. Kasalukuyan siyang nasa intensive na pangangalaga ko.

Habang nagluluto ako ng hapunan namin, napansin ko nalang ang na bumubula ang aquarium kung saan siya nakatira. Hindi ko alam kung ano ang sanhi ng pagbula dahil alam ko malinis na tubig naman ang ipinalit ko sa aquarium niya.

Para masolusyunan ang kalagayan niya, bibili sana ako ng distilled na tubig para maipalit ko sa tubig niya ngayon na maaring mataas ang content ng chlorine, pero sarado ang water store sa tapat namin. Pupunta din sana ako sa petshop para bumili ng mga gamot na pangisda at anti chlorine at lahat ng gamot na pwedeng makatulong sa isang isda, pero sarado ang petshop holyweek kasi ngayon.

Oo alam ko isda lang siya, pero malalim ang relasyon namin. Saksi siya sa mga nangyari sa buhay ko halos limang taon narin ang nakakaraan.

Nalungkot ako ngayon at hindi ako mapakali. Wala man lang ako magawa para matulungan siya.  Alam ko na maaring bukas ay patay na siya. :'(

***
Himalang after 4 days and counting ay buhay parin ang isda, at ngayon ay mas malakas pa. Nilagyan ko lang ng multivitamins ang bahay niya bigla siyang nagising. Hindi ko alam kukng nakatulong yon. Pero masaya ako na hindi siya namatay. Hinahanada ko na kasi ang plano ko kung paano siya ipepreserve.

Thursday, April 1, 2010

Bagong project ni utol


Tignan mo nga naman kung gaano kahusay ang kapatid ko. Pagkatapos ng project ng kapatid ko sa movie nila John Lloyd at Bea bilang production designer at props man, meron siyang bagong technique na pinagaaralan - ang prostetiks.

Makalat ang bahay namin ngayon nageexperimento kasi siya kung paano gumawa ng dugo, tama ng bala, sugat, pasa at kung anong ano pa.

Eto tignan niyo ang pinakabagong trip niya. Kunwari naman ay nagkron siya ng sugat at tama ng bala sa kamay.

Nagkaroon siya ng interes sa prostetiks dahil sabi nya sa pilipinas daw ay konti lamang ang may kaalaman sa pagawa ng mga special effects na katulad nito.

Aba aba aba! Sabi niya, kukunin niya daw ako na next subject niya. Gagawin daw niyang halimaw ang mukha ko. Nageeksperimento na siya kung paano gumawa ng kung ano anong maskara. As if naman papayag ako! hahaha

Skwalog

Eto ang first post dito sa bago kong blog -Ang Skwalog.

Ang Skwalog ay galing sa dalawang salita SKWATER at JOLOGS. Pag pinaghalo ito nagiging SKWALOG. Nakiki squat lang lang kasi tong blog na to sa Blogger ni Daily Panda at magiging tungkol ito sa mga kung ano anong kaJOLOGAN na pwdeng maisip.