Thursday, October 7, 2010

bobong masipag

May nabasa akong article, sabi don sa article na yon "fuck you daw sa lahat ng profs classmates at friends na nangbagsak or hindi naniwala sa kanya nung college. Actually, sa pag kakaintindi ko, nag masteral siya sa engineering at ngayon ay TOP RANK na. Ang reason kung bakit daw siya binagsak dati ay dahil "tinamad" lang daw siya."

OK napaisip ako don...

Minsan iniisip ko ano ba ang mas ok, sipag o tiyaga, at  galing at talino. Pag dati ka ng magaling at matalino, malamang sa hindi magiging successful ka parin. Pero dito sa pilipinas, marami mga masisipag at matiyaga pero hindi naman sila umaasenso. Sa school ko dati marami akong kaklaseng tamad, pero laging mataas ang grade.

Pero hindi ako interesado sa mga matalinong tamad dahil alam ko na magsusurvive sila. Mas interesado ako sa mga tao BOBO pero masipag na kahit anong sipag nila ay HINDI UMAASENSO.

Gusto kong patunayan sa pamamagitan ng isang scientific study (naks) na hindi porket may sipag at tiyaga e aasenso na. Kung totoo yon, edi sana ang dami ng asenso dito sa pilipinas.


*picture -- nananatili paring FEUDAL system ang pilipinas, wag na tayong mag lokohon.


galing dito ang pic

15 comments:

  1. hMM... pagiging ma swerte lang ba o dahil na din sa diskarte?
    Pero mainam na din yung masipag talaga. Palagay ko mas madaming umaasenso sa pagiging masipag

    ReplyDelete
  2. diskarte din sa tingin ko eh... sa ofc nga namin eh daming bobo na nag mamarunong... akalain mong mga nagging manager..? lakas sumisip eh at magagaling mag panggap. pati mag pa-ikot ng tao eh sadyang mahusay hahaha

    mas magaing pa ang staff nya kesa sa knya hahaha

    ReplyDelete
  3. @xaige, oo ako din, ung boss ko dati mejo baliw. pero top rank. cunning as a fox, ika nga kulang nalang lagyan ng 20th Century, para maging 20th century fox. WTH! hehe

    @dark i agree with you, mas malaki nga ang chance ng masisipag na umasenso. walang hard and fast rule i guess, kasi marami naman mga tamad na yumayaman naman.. etc..

    ReplyDelete
  4. malamang kaya hindi naasenso pinas dahil na rin sa taong sobrang masisipag mangurakot..kaya kahit anung gawin sipag ng mga pinoy, ala pa din mangyari..

    ReplyDelete
  5. "masipag mangurakot" hahaha totoo yan. It's not hard to realize na marami talagang mga buwaya dito sa pilipinas. lalo na yung ibang nasa pulitika tulad ni arroyo

    ReplyDelete
  6. dapat madiskarte.

    teka, si robocop ba yung nasa caballeros haha

    ReplyDelete
  7. hahaha alam ko ang post na sinasabi mo... inilagay ko pa nga ito sa blog ko... pero may point ka about feudal system parin ang pilipinas.. kahit nga wala tayong hari o reyna dito pero malalaman mo parin sa antas ng pamumuhay nila.. ang mahirap ay lalong humihirap ang mayaman ay lalong yumayaman...

    ReplyDelete
  8. kawawa naman kung bobo na tamad pa LOL

    ReplyDelete
  9. Wow. Magaling. Totoong walang halaga (o saysay) ang sipag at tiyaga, dahil ang produksyon ng yaman sa Pinas e base pa rin sa kapital.

    May post din ako dati tungkol dito, pero hindi ko na maalala kung sa existing blog ko ba.

    ReplyDelete
  10. ay, ako ba ang tinutukoy mo dito rah?

    hahahahah!

    ang totoo nyan, isa itong SUMPA

    ang meron ay lalong magkakaron

    at ang wala ay lalong mawawalan

    hehehehehe

    baka naman kase destiny ang pagyaman?

    sabi ng sa The Alchemist "maktub" it is written

    -sterndal-

    ReplyDelete
  11. hmmm. i think mas aasenso ang tao pag may tiyaga at sipag isama mo na rin ang diskarte... mrami na rin ang ganyan na umasenso dhil sa diskarte...

    ReplyDelete
  12. nabasa ko din ang article na ito "BOBONG MASIPAG" na kahit anong sipag, wala pa din.. di ko lang matandaan kung saan.. nice one po.. at maraming salamat din sa pagiwan ng bakas sa aking munting tahanan.. nakiepal din po hehehe...

    ReplyDelete
  13. Daig daw ng matiyaga ang masipag, pero oo nga na realize ko di kasama dun ang salitang kahit bobo ka basta masipag okay na. Kelangan madiskate ka talaga, kasi kung matiyaga ka nga at wala kang utak, lahat ng pagod mapupunta lang sa wala at mapag sasamtalahan ka pa ng mga taong tuso!

    ReplyDelete
  14. Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete