Wednesday, September 15, 2010

Kamera Mania.


Nung college ako narealize ko na mahilig at may passion pala ako sa pagkuha ng pictures. Kaya naman pinangarap ko na magkaroon ng camera, kahit anong brand, basta camera.  Inisip ko na magandang investment ang camera - naniniwala ako na pictures are forever. Isang step closer to sa pangarap ko na mabuhay forever.

Pero 5 months ago, sabi ko sa sarili ko, gusto ko sa birthday ko -- November 25, ibibili ko ang sarili ko ng magandang camera. Bibili narin lang ako ng camera - yung maganda na. At dahil napatunayan ko na maganda ang Canon na point and shoot, pinangarap ko na magipon para sa pinaka magandang Canon na point and shoot. Nagdesisyon ako na Canon S90 ang bibilin kong kamera dahil ito ang pinakamagandang point and shoot na available five months ago.
Pero dahil sa pagbabasa basa ko sa mga camera sites, narealize ko na  mas superior ang image quality at versatility ng slr versus kahit anong point and shoot. Kakaunti lang ang difference ng presyo ng Canon S90 at ng 1000D ang pinakamurang SLR ng Canon. Pwede ko pang palitan ng lens. At mas maraming manual controls. Kaya naman naisip ko na 1000D nalang ang pagiipunan ko.

Pero sa aking pagbabasa ng mga reviews mga SLR at sa pagtatanong ko sa mga kaibigan ko, marami ang nagsasabi na pagdating sa SLR, mas mas maganda daw ang Nikon. Halos lahat ng pinagkakatiwalaan ko ang conclusion nila ay the best ang Canon sa point ang shoot, at the best naman ang Nikon sa SLR. Kaya naman, naghanap ako ng SLR na eksakto sa budget ko. Nikon D60 ang ipinalit ko sa pangarapin. Yon nga lang phased out na pala ito.
Kaya naman narealise ko na yung hindi phased out ang dapat kong piliin at yoon ay ang Nikon D3000.
Tapos narealize ko na bat ako bibili ng Nikon D3000 eh bukod sa hindi maganda ang mga reviews ng camera na to, at hindi ako satisfied sa sample pics na kinukuha ng mga kaibigan ko. Besides,  magdadagdag lang ako ng 3k, makakabili na ako ng Nikon D5000 na halos pareho lang ang features sa Nikon D90. So sabi ko D5000 na bibilhin ko. Konti lang naman ang difference. 


 Pero recently lang, nadiscover ko ang Quiapo, meron palang mga store doon na mura magbenta ng mga DSLR na camera. Mura sa kanila dahil hindi sila nagbabayad ng pwesto sa mall. Ang source nila ay galing ng ibang bansa, at ang warranty nila at store warranty, nakakatipid ng hanggang 10k compared sa mall price, so naisip ko, since pareho lang ng presyo, yung mas mataas nalang na model Nikon D90 nalang ang bibilhin ko - pareho lang ng price kung sa quiapo ko bibilihin, mas "future proof" pa ito at mas maraming features at mas maganda ang review. Magdadagdag lang ako ng mga 7k
Malapit mag November, at naipon ko narin ang kalahati ng pera na kailangan ko para mabili ang Nikon D90 na pangarap ko. Pero ngayon may PROBLEMA akong malaki. dahil ang pangarap kong D90 maphephase out na. Noong 2008 pa kasi ito lumabas. Ngayong September, i-aannounce na ang NIKON D7000 successor ng D90, sa October, ilalabas na ito sa market. Pag dating sa features , SOBRANG Advance ng features ng D7000 ang papalit sa D90, mas mahal nga lang ng kaunti.


Ngayon, ewan ko na... dahil nalilito na ako kung ano ba talaga ang bibilihin ko na camera, parang ayaw ko na tuloy bumili. Iniisip ko din, praktikal ba na bumili ng camera ng worth almost P60,000? Sobrang daming pera non. Estudyante lang ako at 200 lang ang baon ko everyday. Lahat ng pera na ito para lang sa pangarap ko na mabuhay forever???

11 comments:

  1. hmmm...ang bilis na ng ikot ng DSLR, parang mga cellphone na lang. puede mo rin i-try ang second hand na super cheap, like mga second hand na d40 or d80. and pag ready ka na to upgrade, dun ka na pumili at bumili ng iyong SLR "for life". :) malay mo may mga mas bongga pa na model na darating next year.

    at gaya nga ng sabi ng aking mentor, kahit ano pa ang model, wala sa camera yan, nasa kumukuha yan. ;) (pero siyempre maganda din kung maganda nga talaga ang camera, mas may edge)

    ReplyDelete
  2. @ thanks for the advise ron, hehehe step closer to my ultimate goal to live forever :)

    ReplyDelete
  3. sabi nga sa favorite ko na quote "it's not the indian, it's the pana" :D

    ReplyDelete
  4. ako din fashion ko magpictures..pero ala ako pambili ng slr.tama na camera phone na 1.3megapixels...lolx...:D...,

    serioulsy, sobrang bilis talaga ng trend ng technology kaya minsan parang ang hirap bumili kasi halos every month may mga lumalabas na bagong model.pero ganun talaga..kung yun ang passion mo, go for it...^_^

    ReplyDelete
  5. Rah, ngayon ko lang narealize estudyante ka pa pala hehehe.

    Ganyan din ako noon, I set my eyes on Canon 1000D, and realized na konti na lang and dagdag, pwede na mag Canon 500D. So yun ang nabili ko, kasi aside from DSLR, meron syang HD Video na nakakaaliw gamitin.

    I didn't consider Nikon kasi hindi ko gusto ang user interface... Mas cute yung sa Canon. Oo, ka-cutean ang pinagbasehan ko hahahaha.

    Hindi ako makapagbigay ng magandang advice kasi hindi ko minaster ang pagbabasa ng reviews ng camera. Ang advice ko siguro is,m if maphaphase out na sya ngayon, bilhin mo using credit card, konti lang idadagdag mo, and then pay mo na lang as you save more money. Ganun ginawa ko kasi hinabol ko yung Panagbenga noon eh kulang pa ang pera ko. In 3 months matatapos mo rin syang bayaran.

    At ang ultimate advice is, pag nabili mo sya, bili ka agad ng LCD protector. Yung akin, nagasgas nang konti at napaluha ako ahahahaha.

    ReplyDelete
  6. hmm... ayaw ko ng slr... y? ksi mahilig ako sa pictures at gustu ko ako ang subject! hahahaha! but in anycase... bumili nmn ng slr ang department namin sa ofc so... yun nlng muna ang pa laaruan ko ehehe

    ReplyDelete
  7. yun oh.. same here.... dream ko rin magkaroon ng canon slr even meron na ko fuji slr ...
    tama sinabi ni glen... good advice sir bumili ka na lang using a cc.. makakatipid ka pa :D

    ReplyDelete
  8. @glen thanks glen sa advice. kinoconsider ko din ang canon. ang ganda nung 550D! tas konti lang yung difference niya sa 500D, kaya nga mas lalong mahirap pumili kasi, ang konti lang ng increments sa price. Malaking debate parin kung anong bibilin ko. Kailangan ko ng sign.

    @axl g. sabi nila halos pareho lang naman daw ang picture quality ng canon sa nikon, nakakatalo lang si "feel." sa totoo lang kahit ano naman talaga for me. ang iniisip ko nalang anong kamera ang makakapagbigay ng bang for my buck.

    @xaige buti naman may pinagppractisan ka ngayon :)habang nagiipon ka pa for your own cam, meron kang nagagamit. :)

    ReplyDelete
  9. @android enteng Totoo yan. Parang celphone nlang talaga ang pagpalit ng technology. Maganda yon in a way, kasi it benefits ta consumers. pamura ng pamura at paadvance ng paadvance ang technology, in one way or another. Kailngan mo rin talagang magdecide, dahil kahit ano pa kaadvance ng cam, maluluma at maluluma parin siya...

    ReplyDelete
  10. LIke ko ang post na ito. Kasi desire ko ring bumili ng good camera.at di ko alam sa dami ng naglalabasan. so i need ang isang honest opinion.

    update mo naman ako about dito pag nakapagdecide ka na.

    thanks

    ReplyDelete
  11. hay, pangarap ko rin yan.. DSLR camera when will you be mine! ^^

    ReplyDelete