Sunday, August 8, 2010

Ayy Bol

! Pictures, Images and Photos

Hindi ko alam ang eksakto kong naramdaman ng sinabi mong gusto mo na akong makita ng personal.
Parang tumigil saglit sa pag-ikot ang aking mundo ng mga sandaling iyon.
Bumilis ang pagtibok ng aking puso, pinagpawisan ng malamig at natulala ng bahagya.

Nahihiya kasi ako sa iyo na makipagkita. Una, ang guapo guapo mo para kang si Papa Piolo.
Kapag pinagtabi tayo para lang akong alalay mo.
Pangalawa, natatakot ako baka kapag nakita kita lalo akong magkagusto sa iyo ng bonggang bongga.
Sa larawan mo nga lang gustong gusto na kita paano nalang kaya sa personal.
Pero sa totoo lang kinilig ako noong ikaw na mismo ang nagsabi na makikipagkita ka na sa akin.

Sige, kahit nahihiya ako pumayag na akong makipagkita sa iyo sayang din ang pagkakataong ito.
Naku po tiyak mag-aayos ako nito ng hindi mapahiya sa iyo. Baka kasi may makasalubong kang kaibigan mo habang kasama ako nakakahiya naman diba kapag mukha akong pulubi.

Isang araw bago sumapit ang takdang araw ng ating pagtatagpo naghanda ako ng ng konting kaartehan sa katawan.
Magpapa "BELO" sana ako kaso kinapos pera ko kaya nag "CALAYAN" nalang ako. Pinakiskis ko lang naman ang aking mukhang paboritong tambayan ng mga tagyawat.
Pagkatapos noon nagpakulay ako ng aking mga kuko sa paa at kamay doon sa "POSH NAILS" Itim na kulay sana ipapalalagay ko kaso baka masyadong mahalata mo kaya kulay Pula nalang pinili ko.
Umuwi na ako ng bahay pagktapos noon para makapaghanda ng susuutin ko kinabukasan.
Natulog ako ng maaga para hindi mapuyat at gumanda naman kahit sandali ang kutis ko.

Dumating na araw na aking pinakahihintay.
Linggo ng umaga, parang biglang sumakit tiyan ko sa kaba.
Pinakalma ko ang aking nangangarag na katawan.
Naligo na ako.
Nagpabango.
Nagbihis ng aking paboritong damit.
Naglagay ng konting pampapula sa labi para naman hindi mo mahalata kung mamutla man ako habang kausap ka.
Hindi na ako naglagay ng pampapula sa pisngi tiyak mamumula pisngi ko kapag kaharap na kita.

Pumunta na ako sa ating tagpuan.
Pasensya ha nahuli ako ng 5 minuto kakahiya man pero ni minsan kasi hindi ako dumadating sa eksaktong oras kung may katagpo ako. Isa pa nahirapan akong pumili kung anong susuutin kong hikaw na babagay sa aking damit.

Sa wakas nagkita na tayo.
Ang guapo mo sa personal.
Ang ganda ng iyong ngiti at ang bango bango mo.
Habang minamasdan kita hindi maalis sa mukha ko na mangiti.
Para lang akong nananaginip habang kausap kita.

Biglang may inabot kang puting sobre sa akin.
Tinanong kita kung ano iyon.
Pero hindi ka sumagot ang tangi mo lang sinabi sa akin ay basahin ko.
"Wedding Invitation card?, Sinong ikakasal?"
"Ako"
"Seryoso?"
"Oo"
"Ang swerte naman ng mapapangasawa mo"
"Mas ma swerte ako kung ikaw iyon"
"Huwag mo nga akong binibiro"
"Hindi nga, basahin mo kasi kung anong nakasulat diyan"
"Sige, oh bakit walang petsa ng kasal at walang pangalan ng aasawahin mo"
"Kung papayag ka na maging girlfriend ko ngayon, tiyak pangalan mo ang mailalagay diyan balang araw at iyon ay kung iyong mamarapatin"

At biglang tumunog ang aking alarm clock
"Lintik na panaginip akala ko totoo na"

Haysss......
Ayun nag prepare nalang ako ng bonggang bongga para sa aming mating este meeting pala hahahaha......
Makikita ko na si Kachat mamaya sana yung panaginip ko maging totoo kahit 1 second lng para naman kiligin ako na parang tinedjer lols~~
Poootragess na pag-ibig,,,
Di ko pa nga nakikita eh nainloves na si Ako sa kanya haha..

Goodluck namen sa aming pagtatagpo............










11 comments:

  1. ayaw ko man aminin pero nagkaron talaga ng time sa buhay ko na mahilig ako makipag eyeball. naeexcite ako sa idea na stranger ang mamimeet ko. :)

    good luck! just be your self :)

    ReplyDelete
  2. Hehe!! Good luck sa inyong pag eye ball... Hope ud meet each other's expectations.. =)

    Nwei, check out my blog na rin ha? If you like it, follow mo na rin ko. Salamat ng madami.. hehe!

    http://neneleah30.blogspot.com/

    ReplyDelete
  3. goodluck!! aba dapat nyan may update ka sa pag dadate nyo.hehe. ^_^

    ReplyDelete
  4. natawa naman ako dun sa mating meeting na un LOL...

    hindi ko pa nasubukan yan...pero mukhang excitiing nga hehehe...

    Gudlak!

    ReplyDelete
  5. goodluck ate! ichika mo kung anong ngyari ah!

    ReplyDelete
  6. aw.. sana naman ay magkatotoo ang panaginip mo. Ayus yan EB. naranasan ko na yan minsan. ayun, sablay..hehe :-)

    ReplyDelete
  7. antaray ng panaginip mo teh! parang real-life lang. at sobrang nakakakilig yung sobre ha. Impernez, ngaun lang ako naka-basa ng ganoon. panalo!

    ReplyDelete
  8. @rah:aktwali d ko pa natry talga makipag eyeball haha,,minsan nakakailang din kasi lalo na kung may feelings ka dun sa immeet mohaha~
    @leah:thanks~~waahh yung ang mahirap pag nkikpag eyeball yung grabe expectation sau tapos di na meet FAIL!~
    @whitelady:goodluck kung sinong makakaeyeball ko haha
    @super balentong: wahh gudluck at kamusta sino naman kaya yun?lols~
    @jag:adik lng hahahaa,,,waahhh cge try mo tapos sabhn moko kung ok ha para matry ko din haha..
    @keso:uu next year pa ata mangyayari ito haha,,chika ko sau,,
    @jake: ayun ang nakakatakot pag FAIL dba ang best way nlng gawin eh wag mag expect para di ma fail ehhe
    @iuirico:maniniwala ka bang gawa lng ng imahinasyon ko ang post na ito?hehehe,,,fiction fiction wagpadala sa story~thanks~

    ReplyDelete
  9. aha---meron pala nito ha. ito si Glen di nagsasabi---collaboration ito. nice nice

    ReplyDelete
  10. naaliw naman me...hahahha...kala ko totoo na ayun pala panaginip lang..aw!

    ReplyDelete