Monday, July 5, 2010

Randomness: Horror


BABALA: Huwag BASAHIN kung IKAW ay MATATAKUTIN......




Wala akong intensyon manakot kwento lng ito ng aking mga karanasan sa multo mode...
Salamat sa inyong pag-unawa



Shocked XD Pictures, Images and Photos

Naniniwala ka ba sa multo?
Ako slight mode~
Kasi naman nung bata pa ako hang dami ko ng experiences sa mga multo mode ewan ko ba kung totoo yung mga nakikita ko or hibang lang ako nung mga panahong iyon...

*Nung nasa manila pa kami, mga grade 2 ata ako nun..Tuwing gabi sa sala ako natutulog kasi isa lang yung room namin nun,,so poor noh haha...
Eto every 12 midnight may naririnig akong yung parang naglalakad *tok tok tok ...
Deadma ko yun ng mga ilang araw kala ko kasi yung kapitbahay lang namin na laging umuuwi ng late...
Pero one time na curious na ako kasi naman di na ako makatulog ng maayos naiistorbo na ako sa ingay..
Sinilip ko sa bintana...
At viola isang black lady nakita ko promise im not joking..
long hair cya, naka black dress, nakapayong weird noh hating gabi di umuulan at nakapayong at parang nakalutang lng cya...syeet goosebumps inabot ko nun,,,
Simula nun kahit masikip dun sa kuarto nila mama eh nakipagsiksikan na ako,,,mamatay ako sa nerbyos pag sumasapit n yung 12 midnight eh,,
Kinwento k kila mama yung nakita k pero ayaw nlang maniwala,,,,baka daw guni guni ko lang,,,hello ma di po iyon guni guni....

*Grade 4 ako, dito na kami sa davao nun, kasama ko sis ko matulog sa room, ewan ko ba sadyang malakas pandinig ko tuwing gabi nyahaha,,,
Kasi one night, biglang narinig k nlng bumubukas yung cabinet namin,,,hayss eh ako naman ignore ko lng baka kasi nakalimutan lng ilock ng sis ko nung kumuha cya ng damit,,,
Kaya ginawa ko next night before matulog sinugurado kong nakalock n yung cabinet as in double lock..Pero kamusta bumubukas pa din ang cabinet,,,di na ako tumingin sa cabinet yaw ko na takot na ako,,,tinabunan ko nlng ang aking fes ng unan at nag pray,,,
Kala ko nga nananaginip ako eh kaso the next morning tsinek ko yung cabinet nakabukas talga,,,haysss....

Ito pa, grade 4 din ako nun, ako lng isa sa sala nun. nsa likod ng bahay sila mama at mga kapatid ko that time...Saktong kukunin ko na yung tuwalya ko nun na nakalagay malapit sa kuarto eh kamusta isang batang girl na naka red, para cyang doll,,,pootragess windang ako nun as in nagface to face kami mejo maliit nga lng sya sa kin konti....
as in bonggang bonggang sigaw inabot ko nun habang papalabas ng bahay,,,tinanong ako ni mama ano daw nangyari sakin,,sabi ko may nakita akong batang girl na nakapula malpit sa kuarto...ayun pinuntahn ni mama pero wala n cyang nakita...

*3rd year hskul ako, dont worry pips last na to haha....Katabi kami ng sis ko ulit nun, mag mamdaling araw na ata nun ng mapansin ko wala na sa tabi ko ang fave kong unan,,siyempre hinanap ko di kasi ako nakakatulog pag di ko katabi yun eh...
Eh madilim so kapa mode nlang ako nyahaha,,,pero napansin ko bakit 3 na kami sa kama,,,kala ko nahihibang ako..binilang ko talga may pang 3 taong nakahiga pagitan namin ng sis ko,,,syeetttt..nakita ko yung LoLA ko na namatay na...eh saktong wala ako nung namatay siya kasi nasa bacolod ako nun...para akong mahheart attack sa nakita ko hahaa...
Kinabukasan tinanong ko sis ko ano itsura ni Lola sa kabaong...ayun kinuwento nya,,,,
Kamusta yun din ang saktong itsura na nakita ko...same clothes,at ayos ng hair...


Haysss ewan ko ba tuwing naaalala ko yung mga expriences n yun kinikilabutan pa din ako ng bonggang bongga,,,marahil yun din ang isang reason bakit di ako dati makatulog mag-isa...hehe...

9 comments:

  1. baka ako yung dark lady na yun.hehehe
    ako ayoko maka experience ng ganon naku madededz kagad ako.

    ReplyDelete
  2. natatakot ako ayokong basahin ng buo..wahaha

    ReplyDelete
  3. lapitin ka pala eh. may sixth sense ka. buti nlng hndi ka nila kinakausap :)

    hmm bka nmn kinakausap ka nila pero iniisnub mo sila?

    ReplyDelete
  4. bka nakikipag-close sayo ung mga unidentified beings.

    mukang malakas ang powers mo para makita sila na di nakikita ng norm pips.

    ReplyDelete
  5. mahirap yan... ako minsan lang nakaka kita. the thing is di ko ma recognize kung multo na heheheh. ayun nag kakasakit ako after the encounter kasi late ko n nalalaman. (salamat sa mang tatawas) madalas eh nararamdaman ko lng hihihi

    ReplyDelete
  6. hindi pa ako nakakakita ng multo at hindi ko din po gustong makakita.
    bakit ganun yung picture na kasama ng post, parang hindi naman pang multo. hahahaha

    ReplyDelete
  7. @whitelady:ikaw ba yun nakita ko dati?hahaha
    naku po buti nga di ako na deds sa mga experiences ko hahaha
    @superjaid:hahaha di naman cya nakakatakot ng bonggang bongga eh heehe
    @rah:aktwali now wala na akong naeexperience sana naman last n yung hskul ako baka atakihin ako sa heart pag maulit eh hehee
    @khntotantra: yoko nga takot nga ako sa kanila eh hahaha,,pero pag bibigyan nila ako ng money cclose ko sila hahah
    @xaige: aww once ko lng ata naranasan yung nagkasakit ako tapos sabi ni mang tatawas eh naengkanto daw ako nyahaha..
    @munting bisiro:try mong makakita ang saya sya jokes lng,,,sinadya ko po ganun ang pic para di naman kau matakot ng bonggang bongga hehehe..

    ReplyDelete
  8. Hahahaha may 3rd eye din ako! apir! hindi n bago sa akin ang mga multo multo n yan. Minsan nga dinadalaw ako ng lolo, lola, tito at tita ko n matagal ng patay pero sa panaginip lng(actually di ko matukoy kung panaginip ba iyon) tas pag totally nasa ulirat n ako bigla ko n lng maaamoy ang kandila at kalachuchi na bulaklak...

    salamat pala sa pagfollow hehehe...

    minsan invite kita mag ghost hunting tau hahahaha joke!

    ReplyDelete
  9. @ jag - ghost hunting ba? if you are familiar with the mt. cristobal eh dun kau mag hunt. di lang mumu merun dun... pati mga elementals hihih

    @unni - ako madalas akong mag kasakit dahiln sa ganyan... since i was small. sbi ng mantatawas... im an open channel daw.

    ReplyDelete