Thursday, July 15, 2010

Lunch Break

Matapos ka kumain ng tanghalian, na parang last lunch na ito ng buhay mo at ang pag ngasab mo sa kanin na sinabawan ng malapot na sabaw ng kare-kare at sinamahan pa ng twist sa lasa ng maalat-alat na bagoong at sabayan mo pa ng isang litro ng iced cold coke at isang pint ng chocolate cake dryers ice cream na panghimagas–

Nakaramdam ka na ba ng ganitong pakiramdam?

Nakaharap ka sa computer, at nagtatype ng report na ipapasa ng hapon, ng biglang nakaramdam ka ng isang napakabigat na pakiramdam na feeling mo may gustong kumawalang turnilyo sa gilid ng ulo mo at unti-unting nakakaramdam ka ng pagbigat sa iyong mga mata at ang ulo mo ay bumababa ng hindi mo na macontrol hanggang sa maiuntog mo na ito sa keyboard.

Magigising ka bigla. Lilingon sa paligid kung may nakakita ba ng kabalbalan na ginawa mo, laking pasasalamat na busy-busyhan din ang drama ng karamihan. Magkukunwari ka ulit na nagtatype. Click dito, click duon. Titig na titig ka sa monitor ng dahan-dahan ding nawawala ang malakas na pindot sa bawat letra sa keyboard na parang nag auto-switch sa mute mode. Isang nakabibinging katahimikan na wala ka na naman sa ulirat at ang talukap ng mga mata at ulo ay bagsak na sa kawalan.

Hanggang sa namalayan mo na bumabagsak na ang iyong mga kamay, duon ka lamang matatauhan muli at lilingid lingid ang paningin kung may nakakita ba sayo o wala. Uupo ka ng tuwid lapat ang likod sa back rest ng upuan. Parang walang nangyari. Balik sa trabaho.

Makalipas ang ilang minuto…

Napasipa ka! Swak ang tama ng paa mo sa pader ng cubicle mo na nag create ng malakas na BLAG!


MICROSLEEP.

Ang tawag sa tulog na gusto mong ihiga ng mahimbing pero hindi mo magawa.


8 comments:

  1. buhay opisina ah. microsleep. haiz. hahaha
    at nagawa pang mangtakam sa masarap nyang pagkain, ginutom tuloy ako. hahaha
    di bale, congrats sa bago mong layout. gusto ko yan, simple pero rock.

    ReplyDelete
  2. mag enervon araw araw hehehe...

    ReplyDelete
  3. hahahahaha! antok lang pla yun ano. hirap nga ng ganyan eh, un bang tipong sa sobrang antok mo, wala ka nang magawa kundi ang maidlip saglit! :PP

    ReplyDelete
  4. ha. baka microsleep ang english term ng "hapontukin" hehe.. sarap talaga kare kare. pero ayaw ko ng bagoong hehe.. :P

    ReplyDelete
  5. nagutom ako bigla dahil sa intro.haha:)) ilang beses ng nangyari ang microsleep sakin, lalo na kapag nasa skul ako, kaya ang teknik ko, pumunta sa washroom, at maghilamos, o kaya mag isip ng mga nakakatuwang mga happenings. :)

    ReplyDelete
  6. sa totoo lng... masakit yan sa ulo hahah

    ReplyDelete
  7. I had the same experience nung nagwowork pa ako as data encoder haha. Eh panghapon pa naman ang pasok ko nun kaya ayun, hapontukin ang labas ko parati ^_^

    ReplyDelete
  8. muntingbisiro: haha! namis ko lang ang karekare! :)

    jag: true! pero kahit na nakaenervon ka, microsleep is really a part of our body clock

    sasarai: ingat lang sa bossing hehe

    petitay: haha pwede! pero may term talaga na microsleep, check wiki :)

    batanggala: haha gawain ko rin yan!

    xaige: true!

    fiel-kun: di talaga yan maiiwasan kasi part yan ng body clock :)

    ReplyDelete