Tuesday, June 15, 2010

Sulat



Isip wari'y lumilipad at napadpad sa kawalan
Tulala ngunit may luhang dumadaloy saking mukha
Di ko alam kung bakit ko pa rin nararamdaman ang sakit na matagal na dapat ng kalimutan.

-----
Kanina habang ako'y naglilinis ng aking mga gamit
Nakita ko yung kahon na matagal ko ng tinatago at di nabubuksan.
Ang kahon na pinaglalagyan ng mga sulat mo
Ang mga sulat na matagal kong tinago at di magawang itapon o sunugin.
Ang mga sulat kung san nakasulat ang mga pangako mo na di natupad
Ang sulat na may mga linyang tumatak saking puso't isipan.

Naalala ko pa ang unang sulat kong natanggap
Ang saya saya ko nun dahil di ko inaasahan na makakatanggap ako ng sulat mula sa iyo...
"Ikaw ang unang babae kong minahal at ako'y nagpapasalamat sa wagas na pag-ibig na iyong pinadama"..Malayo man tayo sa isa't isa asahan mong mamahalin kita gaya ng pagmamahal mo sakin.Pinapangako kong magiging tapat ako sa iyo gaya ng pinangako mo sakin.

Para akong nasa alapaap habang binabasa ko ang unang sulat na aking natanggap. Halos oras oras binabasa ko yun ng paulit ulit. Ninanamnam ang matamis na mensahe nito.

Halos lingo lingo may sulat akong natatanggap mula sa iyo.
Linggo linggo pinapahiwatig mo ang iyong wagas na pag-ibig sa mga sulat mo.

Ngunit ilang araw bago sumapit ang ating unang anniversary may natanggap akong sulat mula sa iyo......
Dali dali ko iyong binasa dahil matagal tagal na din di ako nakatanggap ng sulat mula sa iyo..(Sinulatan kita pero di ka naman sumagot. Nag-alala na ako sayo nun pero di naman kita mapuntahan kung nasan ka nun dahil ang layo mo sa kinalalagyan ko)
Habang binabasa ko ang sulat mo di ko namamalayan tumutula na pala ang luha ko,
Di ko namalayan nasasaktan na pala ako
Di ko namalayan na iyon na pala ang katapusan ng pag-ibig mo para sakin.

Sa mga pagkakataong yun di ko alam ang aking gagawin
Di ko alam kung sino ang aking sisihin
Nagkulang ba ako?
Nagkasala ba ako?
Ano bang maling nagawa ko o sadyang hanggang doon nalang talaga...

------
Kaya ngayong araw na ito, pagkalipas ng 1 taong pagkakatago ko sa inyo
Eh palalayain ko na kayo kasabay ng paglaya sa nakaraan
Oo, 1 taon akong nakulong sa nakaraan
1 taong pilit hanapin ang aking sarili ngunit ako'y nawawala pa rin
1 taong pilit ihakbang ang aking mga paa paabante ngunit hinihila ako ng kahapon.

Pero ngaun matapang ko ng haharapin ang katotohanan
Ang katotohanang wala na talaga
At kailangan ng magpatuloy sa aking buhay.....

Sa pagsindi ko ng apoy sa mga sulat na matagal kong tinago eh ay ang aking pamaalam sa IYO.
Sa iyo na aking minahal ng lubusan
Sa iyo na aking pinagkatiwalaan
Sa iyo na naging inspirasyon at nagbigay kasiyahan
Sa iyo na unang nagpatibok at sumugat saking puso
Sa iyo na nagbigay sakin ng lakas tuwing ako'y nanghihina
Sa iyo na nagdulot ng sakit at hapis

Paalam Sa Iyo at sa mga Sulat mo na nagbigay ngiti at luha saking puso't isipan.



7 comments:

  1. yung mga sulat ng isang ex ko sakin noon, sa sobrang sama ng loob ko. sinunog ko sila. Nakakarelate ako dito. sobrang sakit nga. Time heals all the wounds ika nga. Pero kahit magaling na ang sugat, minsan, hindi na naalis ang peklat ng masakit na nakaraan.

    ReplyDelete
  2. awwww,,,,yun nga masakit eh gumaling n ang sugat pero yung peklat di na maalis..pero ganun talga ang life kailngan masaktan pra may matutunan~~

    ReplyDelete
  3. lahat ng sulat sa akin ng ex ko, binalik ko sa kanya. binalik din nya, kaya wala rin ako magawa kundi sunugin yan. siya kasi dahilan kung bakit ang gulo gulo ng buhay ko ngayon.

    ReplyDelete
  4. ay sakin walang nagsusulat.=( wala pa ako ex e.heheh parang pinapalangin na magkaron noh?hahahaha...

    bestfriend ko ayun sya lang yung sumusulat sakin.

    ReplyDelete
  5. @LM:awwww kailangan ngang sunugin para atleast makalimutan ang magulong nakaraan hehehee
    @whitelady:ayeeeiiii wag kang mangarap ng ex hahah,,,ano ba ikaw hehhee...
    weeeiii sarap ng feeling kung makakatanggap ka ng sulat lalo na ganda ng msg nito tapos galing pa sa loves mo noh hahah

    ReplyDelete
  6. mahirap kung sulat nga..lasi na-immortalize ang feelings na intangible into a tangible thing...wala akong natanggap na sulat na ganyan...pero ang maheart broken ay naranasan ko na...oo, halos isang taon din bago ko na-realize na kailangan ko na mag-let go...isang taong di mo malaman pano magmo-move on...nakakarelate ako sayo....mahirap nga..masakit talaga!=)

    ReplyDelete
  7. @Majojo:aray sakit ma heartbroken noh pero part na yan sa love eh hehe...
    nga pala fiction lang iyan hehe,,malikot lng isip ko kaya nagawa ko yang post na yan haha...salamt sa pagbasa^^

    ReplyDelete