Thursday, June 17, 2010

randoms pt. 1: girls

Makapag-randoms nga rin...
  • In-add ako sa Facebook nung kaklase kong babae nung Grade 2, si Rika. Uhugin sya noon. Umulan man o umaraw, may uhog sya sa pisngi. Sya ang patunay na there are two constant things in life, CHANGE at COLDS. After seventeen years, ngayon ko na lang sya uli nakita. Pilit kong inaaninag sa picture nya kung may uhog pa rin ba sya. Hindi ko tuloy agad napansin ang malaki at bilugang "tumor" sa tiyan nya.

    Ganyan talaga ang buhay, ang uhugin noon, mukhang "nauhugan" ngayon if you know what I mean.

  • Nakapila ako sa KFC kanina, pumila ako sa likod ng isang babaeng mataba. Ang tagal ng order nya, nagbukas na ang kabilang counter kaya lumipat ako, at nag-order ng 1-piece. Wala na raw thigh part kaya tinanggap ko na ang leg.

    Habang hinihintay ang order ko, naririnig ko ang diskusyon ng babae at ng crew. "Anong walang big parts? That's impossible, I can't believe walang big parts! Check again!"

    Umalis yung crew, pagbalik kasama ang Manager. "Did I ask for your Manager? No!" Nag-apologize ang manager, wala pa raw talagang naluluto kasi naubos agad at kakasalang pa lang ng bagong batch. Dumating na ang order ko, naupo na ako at kumain.

    To cut the long story short, tapos na akong kumain at paalis na ako ng KFC, ang babaeng mataba, nakapila pa rin. Isang araw, ikamamatay nya ang kaartehan nya. Kung ako ang crew, sisiguraduhin kong big part ang mapupunta sa kanya. With a little extra.

  • Nakachat ko ang bestfriend kong babae sa Facebook. Nagpapatulong sya, paano nya raw ba sasabihin sa kaibigan nyang babae na ayaw nya na maging kaibigan yung babaeng yun.

    Akala ko madali lang, hindi pala. Inabot kami ng kalahating oras, at hindi pa rin namin nasosolve ang problema nya. Ang solusyon eh magparinig sa Facebook status message. Haizt. Major crisis.

3 comments:

  1. ang saya mag ramdom ano?! mdalas kong gwin yan e! ahahhaa.

    ReplyDelete
  2. gusto ko din ng big part sa kfc. Pero hindi naman ako kasing arte ng matabang babae na yon!

    Philosophy ko talaga na dapat maging nice sa mga food crew. Tao din sila. Pag kinupal mo sila, kukupalin ka din nila :)

    Yung nakausap ko na taxi driver dati, waiter siya sa isang night club dati, at kung may gago siyang customer sa sa "banyo siya kumukuha ng ice" - if you know what i mean.

    ReplyDelete
  3. waaahhhh ang saya saya hhhhaaaa...
    ang arte ni ateng mataba ah....adik din eh hehehe...
    @rah korek may kakilala bro ko na waiter din dati pero sa resto, kung ang customer din daw eh gago ayun may extra freebies na daw kasama sa food na iseserve haha..goodluck

    ReplyDelete