Tuesday, June 15, 2010

Pasukan na naman!

Magpapasukan na naman. Magraaral na naman ako. di pa nga ako nakakapahinga at nakakapagbakasyon mula nung mga klase ko nung tag-init, ay magkaklase nanaman.

Pumunta ako sa iskwelahan para mag-enrol. Napaka-init ng panahon. Napakatindi ng sikat ng araw. Kakaligo ko lang ay parang naligo na naman ako sa pawis. Ang haba ng pila sa Dean's office, ang daming tao. Nakakainis ang mga guard, parang walang sistema ang pagpila. May numero daw, ngunit wala naman akong nakikitang numerong ibinibigay. Buti na lang ay nakita ako ang mga kasamahan ko sa Bar Operations Committee. Pinauna kaming papasukin sa loob upang makapag-enrol. Napakaswerte ko at isa ako sa kanila. Ngunit kailangan daw namin magcollate ng gabundok na notes para sa mga barrista. Ang haba ng prosesong dapat gawin, pagkuha ng clearance, pagkuha ng enrollment form, pasulat sa napakahabang inpormasyon, pagpila sa pagrerehistro ng mga subject na kinuha mo, pagpapa-approve sa napakasungit at nakakatakot na administrator, pagpila sa encoding, pagpila sa cashier, at ang pinakamadali at huling huli, pagpaparehistro sa library.

Ang saya ko ng matapos ko ang page-enrol. Parang natapos ko ang nakakahilong proseso sa loob ng buong hapon lamang. Buti na lang ay may mga kasabay akong mga kaibigan na nging mga klasmeyt ko sa ibang subjects dati. Nakakalungkot lang dahil ang mga kachokaran ko na sina Mr. Panda at Kiel ay hindi ko magiging kaklase sa kahit anong subject.

At ngayon, malalaman ko pang mali sa schedule ko pag sabado dahil magkakaroon ng problema sa pagpapapraktis ko ng wushu. Kaya bukas na bukas ay magpapalit ako ng subject pag sabado...sana naman ay may subject pa akong pwedeng isingit pag sabado...hay! Buhay mag-aaral nga naman...

3 comments:

  1. nakakalungkot dahil hindi tayo magkaklase ngayong sem na to, promise ngayong sem na to, magsisiryoso na talaga ako.

    ReplyDelete
  2. oo, nalulungkot din ako kasi di tayo magkaklase...ako din, magseseryoso na...lalu pa't mabibigat ang mga subjects ko ngayon...duduguin ako malalamang para ipasa ko ito...hehe

    ReplyDelete
  3. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete