Wednesday, June 30, 2010

monologue

Nakakainis.

Minsan, kapag payday, imbes na matuwa ka at isipin ang lahat ng luho mong mapagbibigyan mo na naman, ang pumapasok sa isip mo eh ganito na lang ba ang buhay ng tao, maghintay ng payslips?

May times talaga na ang isang buong sweldo ay dadaan lang from ATM straight to different destinations: rent sa apartment, regalo sa Father's Day, budget sa food and groceries, pamasahe at extra money para pantawid sa next payday.

Makaipon man, hindi naman magalaw, lalo kung sa luho lang igagastos. Sayang ang pinag-ipunan. Hindi maeenjoy ang luho knowing na binawasan ang pera sa bank para lang dun.

Kaya hihintayin na lang ang next payslip. Tapos surprise! May emergency gastos.

Nabuhay na lang ba ang tao para magtrabaho?

Money does make the world go round. You can disagree with me all day, pero hindi iikot ang mundo mo kung wala kang pera.

Ang tao hindi lang sa tinapay nabubuhay? Yeah right. Sige alisin lahat ng pera pambili ng food. Sino tutulong sayo, magulang mo? Nakakahiya humingi ng pera sa kanila kung may trabaho na. Kaibigan? Oo pero utang. Kapitbahay? Good luck.

Mas mahalaga ang mga bagay na hindi nakikita keysa sa pera? OK, mas mahalaga ang love? Anong need ng tao ang sinasatisfy ng love, hindi ba self-actualization whatever according to Maslow's Hierarchy of needs. At hindi ka aabot dun sa self-actualization kung hindi na-satisfy ang basic need, which is pagkain, shelter, etc.

Sooner or later, kakainin mo ang sinabi mong "Hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao", or hindi ka kakain at all.

Kaya OK ang magkaroon ng trabaho, ng more-than-enough na sweldo. Para mag-ipon. Magbanat ng buto para magkapera.

Nagbabayad ka ng SSS, PAGIBIG, Philhealth, para pag nagkasakit at namatay ka sa pagbabanat ng buto, may sasagot sayo.

Come to think of it, ang pinag-iipunan mo eh ang sarili mong puntod.

Hindi mo maenjoy ang sweldo mo. Sa utak mo, dini-divide mo na ang pupuntahan ng bawat libo.

Nagtitipid ka sa araw ng payday.

Nakakainis.

7 comments:

  1. "Come to think of it, ang pinag-iipunan mo eh ang sarili mong puntod" - haha, panalo tong linyang ito!

    ReplyDelete
  2. minsan pag pera ang pinaguusapan, hindi na namin yun pinagaawayan lalo na kung pera ang dahilan kung bakit nasisisra ang araw namin, bakit kami nagaaway ng asawa ko. sinasabi ko na lang pera lang yan..hindi yan dapat problemahin.

    ReplyDelete
  3. ang hirap talaga kumita ng pera. Lalo na ngayong nasa quarterlife na tayo, ang daming pwedeng pagkagastusan. Minsan nakakapagod na. Parang manok na isang kahig isang tuka sa dog eat dog na society, parang ang hirap na maging masaya pag walang pera.

    ReplyDelete
  4. true. mapapagod ka sa work, maiistress minsan then poof, it become coco crunch.

    ReplyDelete
  5. Mahirap ang walang pera, gugutumin tayo. Kapag walang pera, kahit umikot pa ang mundo, hindi mo ka na aabot ng kinabukasan dahil tumirik na ang mata mo sa gutom.
    Pero kahit papaano pasalamat na lang na isa ka sa mga may trabaho.

    ReplyDelete
  6. Napaka-tama ng post na ito. Dahil ang sahod sumasayad lang sa palad.

    ReplyDelete
  7. may mga tinatawag na carefree people. carefree sila kasi they enjoy what they have kahit so little lang. may struggle pero they endure by being in the moment. in the long run, they do not work themselves to death. may halos similar attitude ding ganyan ang mga careless people pero they end up feeling very tied down kasi ang mindset nila is defeated kaya pag sila ang nag-attempt maging carefree nagiging careless tuloy ending in tremendous debt. -- http://www.wix.com/goodlifeinprogress/Good-Life-In-Progress

    ReplyDelete