Monday, June 14, 2010

Habang may ulirat pa ako.

Araw-araw, unti-unti akong nabubuo. Parang hollow blocks na isa-isang pinapatong at sinisemento.

Nagkakaroon na ako ng mata. Nakikita ko ang tubig kung saan ako lumulutang, sa loob ng katawan ng nanay ko. Excited na akong makita siya! Para siyang artista. Alam ko andyan siya, pero hindi ko alam kung ano itsura niya.Gusto ko na rin makita ang tatay ko. Kamukha ko kaya siya? Gusto kong malaman kung ano ang pakiramdam ng hinahaplos ako ng nanay ko, yung pakiramdam ng kinakarga ako ng tatay ko. Marami akong gustong makita sa mundong dadatnan ko pag nakalabas na ako.



Maliit pa lang mga kamay at paa ko. Kaya nakalutang lang muna ako. Hinihintay ko yung araw na lalabas na ako sa mundo. Siyempre, dahil maliit pa ako, magsisimula ako sa pag gapang. Sunod, matututo ako maglakad. At balang araw, tatakbo din ako. Andito pa lang ako sa tiyan ng ina ko, marami na akong pangarap para sa buhay ko.

Gusto ko maging doktor. O kaya maging singer. O kaya maging artista. Tignan mo? Malulula na ako sa kakaisip.




Teka. Teka lang! Parang may humuhugot sa akin. Ang sakit sakit. Aray! Naku, patuloy pa yung paghatak. Nahihilo ako. At parang lumalabas ako sa katawan ng nanay ko. Pero parang di pa ito ang tamang panahon. Ang liit liit ko pa. Hindi ako makahinga. Mali! Mali ito talaga.



Bakit ako nandito? Para akong nasa isang silid na paikot. At hindi ito yung tubig ng nanay ko. Iba yung nararamdaman ko. Unti-unti na ang akong nawawalan ng ulirat. Hindi na ako makakita. Hindi na ako makapag-isip. Dumidilim na ang paningin ko.

Ganito na lang pala. Hindi ko na pala makikita ang nanay ko. Ang tatay ko. Hindi ko na mararamdaman ang paghaplos ng nanay ko, ang pagbuhat ng tatay ko. Hindi ko na makikita ang mga puno, ang magiging tahanan ko. Hindi ko makikita ang tubig ulan. Hindi ko na maririnig ang huni ng ibon.

At higit sa lahat, hindi na magkakatotoo ang mga pangarap ko. Habang buhay na siguro akong nasa loob ng munting silid na bilog na may tubig na tuwing sinusubukan kong mabuhay, ay unti-unti akong sinasaktan.

Paalam na sa nanay at tatay ko. Ito na ang mensahe ko habang may ulirat pa ako.

10 comments:

  1. Nalungkot akong isiping baby ang nagsasalita so isipin ko na lang na tae ang nagsasalita, yung matigas na tae.

    ReplyDelete
  2. ang lalim nito. Hindi niya makikita ang nanay at tatay niya forever. Hindi din niya makikita ang mga puno. Kahit na cruel ang mundo na ito, alam ko. Pero worthwhile parin mabuhay. :( thanks for posting this :D

    ReplyDelete
  3. aw wawa naman,,,,gusto pa naman nya maging artista,,,sayang pwede rin cya maging blogger sana hahaha...ang galing ng writer ah ehehe..

    ReplyDelete
  4. @Glentot, baby nga ito. :(
    @Rah: Sino yung mga nagtuturo ng Obli pag Monday? Sa Public International Law, sino? Haha. Pati dito daw ba, magtanong, ayoko magtanong sa Formspring, eh. :p Salamat din po sa pag-anyaya. :)
    @Unni: salamat po. nagba-blush na ako. charot. pero seryoso, feeling ko, yung ang naiisip ng aborted baby.:(

    ReplyDelete
  5. Nalungkot ako sa pagbasa ko nito...naiimagine ko ang baby na ito habang inaabort...naaawa ako sa kanya...mga munting anghel na hin di man lang nabigyan ng pagkakataon mabuhay.:(

    ReplyDelete
  6. may kilala akong nagpaabort, kaya skeri to para sakin. parang haunting of the unborn. kreepi.

    ReplyDelete
  7. Obli, Umm hindi ko kilala eh. Sa PIL, malamang si Prof. Duka. ok yon. good luck! bwahaha. Hindi pa nadidisclose yung mga list ng prof per subject. Tinatago pa ni dean eh.

    ReplyDelete
  8. re: abortion--kreepi with a "k" and an "i" sa dulo? hahaha.

    ReplyDelete
  9. Majo: sorry for the uber late reply. Oo, ang lungkot nga. :(

    ReplyDelete