Friday, May 21, 2010

Ma! Anong Ginagawa Mo?

Pagod na pagod ako galing school. 8:00 na ng gabi, gutom na gutom narin ako at pawis dahil sobrang init at dahil nahirapan akong sumakay.

Kumatok ako sa bahay namin, pero bukas naman ito kaya pumasok nalang ako.

Walang tao. Madilim. Halos nakapatay lahat ng ilaw.

May narinig akong kumaluskos sa second floor ng bahay namin. Tinignan ko ang hagdan. Galing ito sa kwarto ko. Ang kwarto ko lang ang bukas ang ilaw sa taas.

Umakyat ako, para malaman ko kung sino ang nasa loob ng kwarto ko.

"Ma! anong ginagawa mo?" - ang sabi ko sa nanay ko na nakita ko na may hawak ng walis at dust pan.

"Anak nililinis ko ang room mo." - pawis na pawis siya at busying-busy pero kalmado niya ito sinabi sakin.

"Ma hindi mo na kailangan gawin yan. Gabi na. Magpahinga ka na. Ako nalang ang gagawa niyan bukas."

"Hayaan mo na anak, in the zone ako ko eh (nasa mood daw siya maglinis).

"Sigurado ka ba ma? Guso mo tulungan kita?"

"Hindi na anak, ok lang ako. Kumain ka na sa baba." - (sinabi niya ito habang nirere-arange niya ang kama ko na sobrang bigat.

Hinayaan ko lang ang nanay ko, dahil ayaw niya talaga magpatulong. Tapos narin naman niya ilipat ang kama ko.

Kumain ako, nagshower, at naginternet sa baba ng bahay namin. Lumipas ang ilang oras, kailangan ko ng matulog, ako nalang din ang gising.

Umakyat ako. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at nagulat ako sa nakita ko. ALAM KO NA kung bakit excited ang nanay ko maglinis.

Eto ang dahilan....




Gusto pala niyang palitan ang bed sheet ko ng SPONGE BOB! 

Thanks ma sa pag linis ng kuwarto ko - pero promise ang lakas mo man trip! hehehe

14 comments:

  1. wahaha. sweet ng mama mo! ang kulet!

    sakin na lang ung bed sheet! ang kyut eh. :D

    ReplyDelete
  2. hahahaha.nakakatuwa ang iyong mother, inspiration nya sa paglilinis ng iyong kwarto ang bedsheet na sponge bob.ahmm rah, favorite mo ba si sponge bob? ^_^

    ReplyDelete
  3. @choknat - hehe lakas niya mantrip noh?

    @darklady - yun nga eh, hindi ko naman favorite sa sponge bob, at ang tanda ko na para ganun yung bedsheet ko.

    @kikilabotz - :D

    ReplyDelete
  4. hahahhaa! astig! natawa ako ng bonggang bongga, kaya pala sinipag at di na pinansin khit alas otso na ng gabi, naglinis pa din ahhaha. panalo si nanay!

    ReplyDelete
  5. haha..kumuxta nman c spambab? hankyut.. :)

    ReplyDelete
  6. Hahahaha ang cute naman! Ang sweet din ng nanay mo hehehe...

    At buhay na buhay pala dito si Rene Requestas sobra kong tuwa sa profile pic hehehehe...

    ReplyDelete
  7. Panalo ang Spongebob na bed sheets hahaha.

    ReplyDelete
  8. ok nanay mo rah!nakakatuwa, lakas ng tama...sa susunod baka di lang spongebob ang bed sheet mo...hehe;P

    ReplyDelete
  9. Taray naman ng inaymader mo! PEro ang sweet! ^_^

    ReplyDelete
  10. @majojojo, Tama ka jan Majojojo dahil kanina lang laking gulat ko nanaman na na ang bedshit ko ay LV as in Luis Vuitton naman! Grrr.. ^.^

    ReplyDelete
  11. kakamiss naman yung spongebob :) mas ok pa spongebob dati kesa ngayon

    |Playgroup Singapore

    ReplyDelete