Thursday, April 8, 2010

Negosyo

Nagpatayo ng negosyo ang tatay ko. Mejo malaki narin ang nagastos niya, pero may feeling ako na hindi ito kumikita.

Kanina, habang agahan, naguusap ang pamilya tungkol sa status ng negosyo at may mga nasabi ang nanay at tatay ko na nagtransform sakin sa isang migraine boy.

Sabi ng tatay ko,
"...ok lang malugi ang negosyo, ipapasara nalang natin yan kung hindi yon kikita..."

Sabi naman ng nanay ko,
"...Let us forgive ourselves kung magkamali man tayo, trial and error lang talaga..."

Ang kapatid ko naman na lalaki, marami siyang suggestion, at active siya sa lahat ng diskusyon everytime namagkakaroon ng paguusap tungkol sa negosyo. Pero sa bawat idea na maisip niya may idea din ang tatay ko kung bakit hindi yon gagana.

Ang kapatid ko na babae, ang dapat na genral manager ng negosyo, ay kasalukuyang missing in action 10 days na namin hindi nakakausap dahil nasa isang academic training.

Nung matapos na lahat magsalita, nakatingin na sila sakin, ineexpect nila na may sasabihin ako. Pero hindi ako nagsalita. Sabi ko, "wala akong comment" - pero hindi ata nila 'to narinig.

Pero sa totoo lang, marami akong comment. Pero ayaw ko masaktan ang damdamin ng nanay at tatay ko.

Hindi ako business major, wala akong sariling malaking negosyo, maliban sa online shoe store namin ni heart heart. Hindi ako nagmamagaling, pero pagdating sa negosyo meron akong pinaniniwalaan na pilosopiya, base narin sa mga obserbasyon at nababasa ko.

Hindi ok na malugi ang isang negosyo. Hindi maganda na mindset na "ok lang na malugi yon." Failure is not an option. Last resort na yung feeling sorry, pero hindi pa napapanhon yon, dahil nagsisimula pa lang. Hindi mo dapat inaanticipate ang failure.

Failing to plan is planning to fail. Sinabi ko na dati na bago yon ipatayo, gumawa ng feasibility study. Walang feasibility study na ginawa. Nagrely lang sa fact na malapit sa school at sa isang subdivision ang puwesto ng negosyo.

Ang negosyo ay pinagpplanuhan. Sinabi ko narin dati na gumawa ng business plan. Ang business plan ay dapat nasa papel. Naksulat dito ng mga standard procedures kung paano tatakbo ang negosyo. Eto ang pinaka guide book ng negosyo. Sa simula palang, meron ka na dapat idea kung saan, sino, kailan, paano, papatakbuhin ang negosyo. Dapat ay naiimagine mo ang lahat, hanggang sa pinakamaliit na detalye.

Brain storm. Open ka dapat sa lahat ng mga ideas. Ibig sabihin, marunong ka dapat makinig. Hindi mo dapat binabara ang mga tao na may suggestion kung paano mapapalago ang negosyo mo. Kasama narin dito ang pagfeel sa mga customers mo. Nilalagay mo yung paa mo sa sapatos nila.

Ang negosyo na nagsisimula palang ay parang bagong panganak na sangol. Dapat pinagtutuunan ng pansin. Hindi mo lang dapat iniiwan yon sa mga empleyado.

Meron dapat accounting system. Hindi sapat na nililista lang sa logbook lahat ng nabenta. Dapat ina-account mo lahat ng nagastos mo, at lahat ng pumapasok na pera. Yun lang ang paraan para malaman mo kung kumikita ka. Lalo na kung medyo malaki ang puhunan na nilabas mo.

Iba pang pwede magamit na business tools: Benchmarking - dapat ikinukumpara mo ang negosyo mo sa ibang kapareho mo rin na negosyo. Strategic management. Forecasting. At iba pang quality management tools.

Ang point ko lang, hindi porket, may kapital ka, may binebenta ka, at may pwesto ka, e kikita ka na. Art and Science ang pagnenegosyo. Yun ang alam ko.

Hindi lang ako masaya sa narinig ko kaninang umaga. Alam ko naman na pwedeng iapply ang mga nasabi na principles. Ang problema, ayaw lang nila makinig.

Magpatayo daw kami ng sarili naming negosyo sabi ng tatay ko. Tama ba yon?

Simula non, ayaw ko na magbigay ng suggestion ko. Hindi din naman pala hinihingi.

8 comments:

  1. ouch naman ito, kung mnsan tlga ang hirap makialam sa mga matatanda, :\ pakiramdam nila ang dami na nilang alam at sila ang palaging tama. aun lang. hayy.

    ReplyDelete
  2. pagkakataon mo na pala magbigay ng suggestion, sana nagbutt-in ka na... ano ung business nyo if you don't mind? tama ka, if you're planning a business dapat positive lahat ng outlook mo, pero hindi mo maiiwasan bumagsak... pero dapat bumagsak man ung business, positive ka pa rin at alam mo kung papano tumayo muli sa pagkakadapa.

    ReplyDelete
  3. @ roanne, tinatry namin yon, pero everytime hind naman sila nakikinig. Next time nalang pag hiningi niya na ang advise ko. I guess he has his own wisdom na hind ko din siguro gets.

    @keso. Oo nga eh, yung nga ang masaklap, dibale, plano ko na magaral ng MBA in the near future para malaman ko ang lahat ng mga intricacies ng ng pagnenegosyo ko.

    ReplyDelete
  4. wow...wui i-voice out mo yung concern mo brother...at least masakit man pakinggan eh may patutunguhan naman...

    ReplyDelete
  5. hahahaha! kaya pala sabi ni Ryan "no comment" IS a comment. pwede magvolunteer jan sa business nyo? free consultation pare, sabi ko nga sayo bisitahin natin eh.

    ReplyDelete
  6. @thewise man, oo pare, sige, pupunta tayo don next week :) para makita mo tol, it's not that bad, but can get better :)

    @michael and roanne, i did voice out my views. But i don't want be makulet heheh :)but it can be a real learning experience.

    ReplyDelete
  7. Maraming salamat at binahagi mo ito nag enjoy talaga ako sa pagbabasa at marami ako natutunan naniniwala ako na maliit o malaki mn ang capital basta nasa tamang pagpapaplano ang lahat magiging maayos ang lahat at wala lugi. :)

    Fast cash loan Philippines

    ReplyDelete
  8. kahit anung maliit na negosyo pag inalagaan mo, nalaki :)

    |Playgroup Singapore

    ReplyDelete