Monday, April 5, 2010

Magulang Pagkukulang

Matagal ng debate sa bahay namin ang refrigerator. Akalain mo ba naman na dahil sa refrigerator ay mahahati ang pamilya namin.

Kadalasan ng nangyayari ang pagkahati ng pamilya namin tungkol sa mga bagay na ganito. Magkakaiba kasi kami ng ugali at pinanggalingan (sabihin nalang natin na ang nanay ko ay dating Disney Princess at ang tatay ko ay dating Shrek).

Mabalik tayo sa simpleng usapan ng ref. Dalawa ang metro ng kuryente ng bahay namin. Dati kasi itong dalawang apartment na ipinag isa. Ang gusto ng nanay ko, yung ref namin ay naka-plug sa kabilang side ng bahay. Feeling kasi niya mas makakatipid sa kuryente pag ganon.

ANG PROBLEMA, ang kusina ay nasa kabilang side naman ng bahay. Siyempre kung nagluluto ka, gusto mo malapit ang ref sa kusina para hindi ka na maglakbay ng sobrang layo.

Ayaw makinig ng nanay ko - mapride siya. Kami namang magkakapatid, kasama ang tatay ko ay hindi payag sa plano niya. Pero kahit anong gawin namin na paliwanag, ayaw talaga niya ilipat. Bumili daw kami ng sarili naming bahay! Bahay daw niya yon. Fine. Wala nalang kami nagawa.

Pero kanina, nagulat ako dahil SA WAKAS binalik niya na ang ref malapit sa kusina.

Natutunan ko na kahit na may pagkakaiba sa bawat miyembro ng isang pamilya, importante parin ang harmony at diplomacy. Lahat nadadaan sa usapan at hindi dapat patagalin ang mga away na wala namang kwenta.

Hindi perpekto ang mga magulang natin. Nagkakaron din sila ng pagkakamali -- minsan maliit, minsan malaki. Minsan madaling mapatawad, minsan HINDI madaling mapatawad.

Pero kahit gaano kalaki pa ng nagawa nilang kasalan, magulang parin natin sila. Huwag naman natin silang bastusin, o basta nalang kalimutan, bagkus unawain at mahalin parin natin sila kahit paano.

At kahit hindi natin mapipili kung sino ang magulang natin, kaya nating piliin na huwag ulitin at gayahin ang mga pagkakamaling nagawa nila.

8 comments:

  1. napanood ko lang kagabi, ang parenting daw ay walang rehearsals, walang take two..

    minsan nagagawa nating mainis sa mga magulang natin pero kahit pagbali-baliktarin pa natin ang mundo, kung wala sila wala rin tayo.

    kaya sundin nyo na ang nanay nyo, bumili kayo ng sariling nyong bahay, pati ref. lol

    ReplyDelete
  2. haha, nakakaloka to ha, siguro nrealize ng nanay nyo na talo siya wala kase siyang kakampi hihi

    ReplyDelete
  3. "At kahit hindi natin mapipili kung sino ang magulang natin, kaya nating piliin na huwag ulitin at gayahin ang mga pagkakamaling nagawa nila."

    Tama! tama!! ^_^

    Ganyan talaga mga magulang may pagkakataon na ayaw patalo kasi akala nila tama sila pero bandang huli ma rerealize din nila na may pagkakamali sila. At kapag ganoon nangyari respeto lang talaga. dahil sila pa rin magulang natin.

    ReplyDelete
  4. Feeling ko narealise niya na yung kamalian niya nung umalis yung maid namin at na force siya magluto. Comedy talaga yung nanay ko na yon. Ithreaten ba naman kami palagi na bumili kami ng sarili naming bahay? at hindi yon joke, siryoso siya don.

    ReplyDelete
  5. "Hindi perpekto ang mga magulang natin. Nagkakaron din sila ng pagkakamali -- minsan maliit, minsan malaki. Minsan madaling mapatawad, minsan HINDI madaling mapatawad.

    Pero kahit gaano kalaki pa ng nagawa nilang kasalan, magulang parin natin sila. Huwag naman natin silang bastusin, o basta nalang kalimutan, bagkus unawain at mahalin parin natin sila kahit paano."


    sapul na sapul ako dito...awts

    ReplyDelete
  6. @hartlesschiq nasabi ko to, kasi may kilala akong anak na KINALIMUTAN TOTALLY ang TATAY niya, dahil lang sa napakababaw na rason.

    anak ng tipaklong naman. kahit pa siguro ang demonyo ang tatay ko. mamahalin ko parin siya, "kahit papano" may respeto parin, may pagkilala, hindi nalang basta yon kinakalimutan ng ganun lang.

    bato bato sa langit..., ganun lang talaga ang pilosopiya ng skwalog, "ang dugo ay mas makapal kaysa sa tubig"

    ReplyDelete
  7. nagkaganyan din ako, pero sa huli alam kong mahal ko pa rin ang nanay ko kahit ano pa yung mga nangyari...

    ReplyDelete
  8. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirada_uno_23@yahoo.com / tiradauno@gmail.com / n.helphelphelp@gmail.com
    Contact Number: 09465046302
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete