Friday, April 2, 2010

Isda 50/50

Hindi maganda ang kalagayan ngayon ni Rowena, namumula ang kanyang mata, nanghihina, halos hindi gumagalaw. 50/50 ang buhay niya. Kasalukuyan siyang nasa intensive na pangangalaga ko.

Habang nagluluto ako ng hapunan namin, napansin ko nalang ang na bumubula ang aquarium kung saan siya nakatira. Hindi ko alam kung ano ang sanhi ng pagbula dahil alam ko malinis na tubig naman ang ipinalit ko sa aquarium niya.

Para masolusyunan ang kalagayan niya, bibili sana ako ng distilled na tubig para maipalit ko sa tubig niya ngayon na maaring mataas ang content ng chlorine, pero sarado ang water store sa tapat namin. Pupunta din sana ako sa petshop para bumili ng mga gamot na pangisda at anti chlorine at lahat ng gamot na pwedeng makatulong sa isang isda, pero sarado ang petshop holyweek kasi ngayon.

Oo alam ko isda lang siya, pero malalim ang relasyon namin. Saksi siya sa mga nangyari sa buhay ko halos limang taon narin ang nakakaraan.

Nalungkot ako ngayon at hindi ako mapakali. Wala man lang ako magawa para matulungan siya.  Alam ko na maaring bukas ay patay na siya. :'(

***
Himalang after 4 days and counting ay buhay parin ang isda, at ngayon ay mas malakas pa. Nilagyan ko lang ng multivitamins ang bahay niya bigla siyang nagising. Hindi ko alam kukng nakatulong yon. Pero masaya ako na hindi siya namatay. Hinahanada ko na kasi ang plano ko kung paano siya ipepreserve.

10 comments:

  1. hello!! hmmm..ano na balita sa kanya ngayon??

    ReplyDelete
  2. hello dark malabo parin ang kalagayan niya hindi parin siya masyadong gumagalaw. Sa tingin ko ay nalason ata siya. tinataningan ko ang buhay niya hanggang ngayon araw lang na to. Pag katapos non ewan ko na kung paano ko siya ipprepreserve.

    ReplyDelete
  3. aww, kawawa namn siya, sana ay mgkaron ng himala at di sya madeds!

    ReplyDelete
  4. @keso, tinaningan ko ang buhay niya, bibigyan ko siya hangang ngayon araw nalamang para mabuhay. Gusto ko siya ipreserve pero hindi ko naman alam kung paano.

    ReplyDelete
  5. naku kelangan na niya ng cpr! magaling ako jan..si rowena arwana nanganganib!!!pacheck mo na cia para maagapan pa

    ReplyDelete
  6. @rico de buco, hindi ko alam kung kanino ipapacheck, ang alam ko kasi yun mga vet dog and cat lang ang alam gamutin. pero mejo mukhang lumalakas na siya, pero ayaw pa niya kumain. bukas bibilhan ko na talaga sia ng mga gamot, sarado kais kanina eh.

    ReplyDelete
  7. eeee. gustong gusto ko ang mga isda!
    kasi nakakaaliw sila pagmasdan...
    at nakakainggit sila... di kasi ako maarunong lumangoy...

    tsktsk.
    bantayan mo maigi...

    manalig tayo.

    ReplyDelete
  8. @gege kailangan mo matuto lumangoy, pano nalang yan kung may malalim na tubig at kailangan mo lumutang. Madali lang lumangoy, panoorin mo lang ang mga isda. :)

    ReplyDelete
  9. Naka witness ko ang isang himala! The ***** (bayaran nyo muna ko bago ko i-endorse to) multivitamins could really save a life! Nakita ko first-hand kung pano sumigla si Rowena matapos ang mabigyan ng multivitamins. Try it on your Arowana NOW! But wait THERE'S MORE! ...

    ReplyDelete
  10. @bobodawiseman - tol! effective nga talaga, gusto ko nga sana gumawa ng testimonial tungkol sa miracle ng multivitamins na yan eh.

    Kung sino man sa magbabasa nito ang interesado sa mirakulo ng vitamins na ito. imessage niyo ako at pagusapan natin hehehe.

    But wait! There's more! order now to get this exzziting Offa!

    bwahaha

    ReplyDelete