Saturday, April 3, 2010

Allergy

Wala akong allergy, yon ang lagi kong pinagmamalaki ko sa mga kaibigan ko. Maganda ang genes ko. Wala akong namana na kahit na anong sakit sa mga ninuno ko.

Yung sa motherside ko, puro asthmatic, puro allergic, mejo tabain, mejo sakitin. Wala akong namana na kahit isa don. Ang namana ko ay sa side ng tatay ko, na ang buhay nila ay tumatagal talaga.

Ang napansin ko lang sa katawan ko, kinakagat ako palagi ng lamok. At pag kinakagat nila ako, sa isang spot lang - sa braso. HIndi ko alam kung anong trip ng mga lamok at gustong gusto nila ako kagatin. Naging OC na tuloy ako sa pagpatay ng lamok. Sa bawat oras na makakakita ako ng lamok, automatic na sa akin na patayin sila *pak! ganon, maiipit sila sa pompyang ko, ala FPJ at Manny Pacquiao.

Minsan nga, habang nagaaral ako sa Starbucks, na OC ako kasi ang daming lamok. Natuwa ako kasi marami akong papatayin. So inisa-isa ko sila  *pak! umm.. P@K! dalawa, #Pak! tatlong lamok, Apat, parami ng parami. Nung wala na akong mahuli, narealise ko na ang lahat ng mga tao ay nakatingin sakin. Mukha akong tanga.

Pero kanina, kakaiba ang nangyari - ang daming kong kagat ng lamok. Sampu ang nabilang kong butil ng kagat. Makati ang braso ko, pati ang likod ko. Potek! hinahabol nanaman ako ng mga lamok! Sinubukan ko silang hanapin para patayin, pero hindi ko sila makita. Naisip ko din, pano nila ako makakagat e ang kapal ng t-shirt ko? Posible bang tumagos ang pantusok ng lamok sa makapal na damit?

Pinakita ko sa nanay ko.Allergy daw ito. Pinapainom niya ako ng gamot.

Ayaw ko uminom ng gamot. Hindi ako naniniwala na allergy yon. Wala akong allergy, maganda ang genes ko. Namana ko ito sa father side. Baka kagat lang yon ng mga lamok.

Pero makati na talaga, at parang kumakalat. Naglabas ang tatay ko ng anti-allergy. Masama sa loob ko na uminom ng gamot. Ang liit ng gamot. Paano eepekto to sakin eh ang LIIT ng gamot na to. Mas malaki pa ang langgam dito. Ininom ko parin.

After 5 minutes, unti unting nawala ang kati sa katawan ko. What a relief! - sabi ko. Tas, dahan-dahan, inantok ako at nakatulog.

Pusang gala! lakas ng side effect sakin ng ga-butil na gamot na yon. At MAS MALAKING PUSANG GALA - may allergy nga pala talaga ako.

10 comments:

  1. ayaw pa talaga aminin na may allergy ah..hehehe. O Kaya maaring baka din dahil sa panahon? Minsan may mga taong kapag mainit nagkakapantal at meron din naman na tuwing malamig. Tsk..tsk..allergy din yun, ganon din.allergy sa klima.

    Siguro na ggwapuhan sayo yung mga lamok kaya gustong gusto ka.

    Ang ayoko sa lamok ay yung ingay nila..Dzzz..dzzz...yung parang tunog bubuyog..

    ReplyDelete
  2. uy, dark! ang bilis mo magreply ah, nakaabang ka palagi sa computer mo para sa mga pinaka maininit na blog noh? hehehehe Tama ka diyan, naiisip ko nga magpatingin sa duktor para matest kung saan ako allergic. I have no idea.

    Try ko kaya magsuot ng mask :) baka sakaling hindi na ako lapitan ng mga lamok :D hihihi

    ReplyDelete
  3. hahaha..oo!! ako ang bantay blog comment!!
    Wala kasi magawa dito sa bahay kaya naka abang ako.( parang palagi akong ganon?) hehehe..

    kahit mag mask ka, maaamoy at maaamoy ng lamok ang dugo mo. Kabisado ka na nung mga yun.hehehe.

    May isa pa palang dahilan kung bakit ka hinahabol ng mga lamok, yun ay naghihiganti sila sa pagpatay mo sa kasamahan nila..hehehehe.

    ReplyDelete
  4. dapat kumain ka ng asukal :) hehe

    ReplyDelete
  5. @roanne, pag kumain naman ako ng asukal, feeling ko langgam naman ang kalaban ko, hindi ko nga pala nasabi sa inyo na bukod sa lamok, paborito din ako kagatin ng langgam. Hindi ko alam kung bat ako lang ang kinakagat ng insekto samin. yung mga kapatid, magulang at kasama sa bahay hindi naman. haay.

    ReplyDelete
  6. kakaiba stalker mo.. lamok. lol

    alala ko kanina, pinapak ako ng mga langgam sa kama ng ate ko. argh!

    ReplyDelete
  7. @choknat, baka kasi you are sweet kaya kinagat ka ng langgam. Ayaw ko ng fire ants.

    ReplyDelete
  8. hahaha....lamukin ka sana 4ever..wahahaha...joke...

    ReplyDelete
  9. ahh ako wala akong allergy. hahah. nanginggit?! haha. peace. pareho kmi ni chokie, habulin kmi ng langgam. hehe

    ReplyDelete
  10. @wala din ako allergy! :( maganda genes ko, nakuha ko to sa tatay ko. :DD hehehe (*rah checks his wallet for that antihistamine his mom gave him...)

    ReplyDelete