Wednesday, July 13, 2011

ZESTO AIR

 Hello, I'm back! Minsan na nga lang ang mga posts, magsusulat pa ako tungkol na naman sa isang reklamo sa airline service. Mauna na po ang aking paumanhin.

Itago natin sa pangalang "Zesto Air" ang irereklamo kong airline para hindi masiyadong halata at para fair naman sa kanila, baka lalo silang mawalan ng mga pasahero. Nag-post na ako dati ng reklamo tungkol sa isa pang airline na itago natin sa pangalang "Cebu Falicfic" (salamat sa idea, AdroidEnteng!). Ito ang related entry ko dati, click here.

Life changing talaga ang experience namin sa Zesto Air. Never in my wildest dreams na inakala kong aabutin namin ang ganon. Ang aming previous experience sa Cebu Falicfic ay nagmistulang walk in the park, isang cute na pagkakamali, chicken feed lang.

Noong February, nagbook kami ng flights to Boracay via Kalibo. Wow, 1000 pesos, balikan na. Bongga. Book naman kami. (Ang airline nga pala na ito ay banned sa Caticlan, dahil sila lang naman ang sumira sa pader doon nang lumagpas ang eroplano - bakit ba hindi ito nagsilbing babala sa amin? Oh well.)

Two weeks ago, kami ay nakatakda nang lumipad patungong Boracay. Isang problema: nadiscover ng isa naming kasama na buntis siya at medyo sensitive ang pagbubuntis kaya hindi na sila makakasama ng husband niya. Tawag ako sa Zesto Air to cancel, kasi baka ma-no show at macharge ang credit card. Just to be sure.

After 10 minutes ng ringback, may sumagot na agent sa wakas. Naconfirm naman nila ang mga nais kong ipa-cancel. Before ko ibaba ang phone:

Zesto Air: Ma'am, by the way, namove nga po pala ang inyong flight to Kalibo. From 7:15 am, 10:00 am na po siya...
Ako: Ha? Kung hindi pa ako tumawag, hindi ko pala malalaman?
Zesto Air: Ma'am, may record naman po dito na na-inform kayo...
Ako:(Sino nakausap niyo? Doppelganger ko? Engkanto?) Ah okay. Next time siguraduhin niyong may confirmation from the passenger na alam nila ang flight changes ha. *blag*

Joke lang, hindi ko naman siya binagsakan ng phone.

Dumating ang araw ng aming flight. Siyempre naka-summer outfit na kami. Halata mo rin sa airport kung sino ang mga pupunta ng Kalibo or Caticlan, mga naka-shades kahit madilim sa loob, mga naka-shorts, naka buri hat wala namang araw, mga ganun. 8 am pa lang, nagcheck in na kami. Two hours before the flight daw dapat nandun na. Boarding time is at 9:30 am.

Well, well, well, balon. 10:00 am na, which is the ETD, hindi pa rin kami nagbo-board. Sa receiving desk, dumadami nang dumadami ang mga tao. May kaguluhan. Lapit din kami. Aba! Ang flight daw namin ay na-move to 12 noon. Abaaaa...

Kami naman, okay, fine. Seat sale eh. Hintay ulit.

Pagdating ng 11:30 am, tila wala na namang kung anong sign na magbo-board kami. Muling nagkumpulan ang mga tao. Na move na daw ng 2:00 pm! Gumigising-gising pa ako nang maaga, foot-tah-rah-geese. Nalaman-laman namin na lahat ng flights, delayed. Hindi lang ang sa amin. kaya pala ang mga floral outfits nina ate sa kabila, nanguluntoy na. Ang white na maxi dress ni Madame, tila nangungutim na. Ang mga Oakley at Ray Ban na shades, hindi na pangporma, kung hindi pangtakip ng mata habang natutulog para kunwari gising.

Total time of delay from the original ETD: 7 hours. Yung iba, 3:00 am pa nandun, 1:00 pm nakaalis, maswerte pa pala kami. May mga kwento pa na inabot sila ng 16 hours. Ang hirap ng seat sale. Yung natitipid mo ibibili mo ng Calcibloc or kamatis para pangontra ng high blood.

Sa sobrang OA ng delay ng Zesto Air, alam niyo ba na nagkaroon pa ng blogging contest para dito?

Nabiktima na rin ba kayo ng mga tulad ng Zesto Air?

Friday, March 25, 2011

KAKAIBANG TAWAG NG MGA PINOY SA BAGAY-BAGAY. **UPDATED**

Naririnig ko lang naman. Baka kayo may mga naririnig din kayo. :D


 "SNAPSACK"

 "CHISKARR"
 "COLGATE"

  "COLGATE"
  "COLGATE"
 "SOLDIER BAG"
 
 
 "COCONG BOND"

Bakit nga ba nagkaganon?!?
***ADDED TODAY!***

"PRIGYIDER"

Thursday, February 3, 2011

Shameless Plugging :)



Guys panoorin niyo ang Bulong :) Maganda siya, napanood ko na 9/10 ang rating ko dito. For me, nagustuhan ko yung humor niya at originality, considering mahirap magproduce ng story for a horror comedy.

OK. Pero technicality of art aside, gusto ko parin na panoorin niyo ito dahil NANDITO AKO SA FILM NA TO. hehehe May special participation ako dito :) Hindi ako nag act, pero nandito talaga ako. :) Yung brother ko din ang Production Designer.

I'm proud of you bro :) Yey! :)

Friday, January 14, 2011

CEBU PAC, PAK YU! (In Tagalog, balutin ka!)

Hindi ko inakala na magiging isa ako sa biktima ng cheap service ng Cebu Pacific. Never.

Pero nagkatotoo ang "wish" ko. *gosh*

Sabi ng mga kaibigan ko, nung araw ng aking flight pabalik na Manila from Cebu, hanggang TV daw ay nabalita ang aberyang nagaganap sa mga flights sa Cebu Pacific. Nasaksihan namin ang lahat ng ito: habang naghihintay sa boarding gate, kitang-kita namin ang mga aberya. Bacolod: delayed. Davao: delayed. Incheon: delayed. Manila: delayed. At hindi lamang ito matter of minutes. Oras mga dudes. Isang oras, dalawang oras, apat na oras.

Ang aga pa naman naming gumising, bwiset. 9:45 am yung flight so mga 6:30 pa lang nag-prepare na kami para nasa airport na kami the latest 8:30 am, since domestic flight naman. 9:45 ang ETD so ang ETA sa Manila is 11:00 am.

May nakita kaming naka post na bond paper sa taas ng check in counter for Manila, "11:50 am". Potek akala ko bagong estimated time of arrival sa Manila yun pala yun pa lang yung estimated time of departure from Cebu! Yehehes, delayed ng 2 oras ang flight namin, at nasa airport na kami an hour and a half earlier so kumusta naman ang TATLONG ORAS AT KALAHATI na paghihintay?!

Feeling calmado, lumapit kami sa check in counter.

"Excuse me, bakit parang wala ata kaming natanggap na notification na delayed ang flight namin?"
"Ah Ma'am kasi yung nauna pong flight sa inyo, nasabihan naman po about the delay. Yung passengers lang sa flight niyo lang ang hindi na-notify kasi late na nadetect ang aircraft." (Labo)
"Ganon..."

GANON?! Parang sinabi mo na nadetect ng doctor na may cancer yung pasyente pero since stage 4 na huwag na lang natin sabihin sa kaniya.

But wait there's more!

After mag-check in, natanggap na namin na delayed talaga ang flight. We proceeded to the boarding gate para magpatubo ng ugat. Habang palapit sa final x-ray, hinarang kami ng isang ground personnel ng Cebu Pacific.

"Danggit po ba iyang dala niyo Sir?"
"Oo."
"Bawal po iyan. Paki check in na lang po."

Pumunta ang mga hitad sa check in counter (na naman). Hindi daw puede ang plastic bag lang sa check in. (Malamang!) Bumili daw kami ng mga box sa mga souvenir shops sa tabi tabi. Which we did.

Bili ng box. Balik sa counter.

"Ayan, okay na po iyan. You just need to pay 400 pesos..."

HUWAAAAAAAT?!

"Asan ang supervisor niyo?" (Katabi ko pala)
"Ano po iyon?"
"Baka naman puedeng since delayed ng OA yung flight ninyo, trade off tayo. Huwag niyo na lang kami pagbayarin ng 400 pesos..."
"Hindi po talaga puede, nasa Terms and Conditions po iyan..." (Na bawal ang danggit? Saan dun?)

We checked the box in anyway. We paid 400 pesos.

Ang masasabi ko lang ay:

1. Cheap fare, cheap customer service. Hindi ako nagugulat ang dami niyong reklamo at demanda.
2. Wala kaming narinig na APOLOGY sa lahat ng usapan na naganap. Zero. Null. Nada.
3. Mag-ingat sa Cebu Pacific! THEY SHOW NO MERCY!
4. Go Lite ang fare namin, okay. Pag may eventual check in baggage, babayaran, okay. I agreed to the terms and conditions, okay. Pero nyemas mas mahal pa yung box at fee dun sa 3/4 na danggit, mga hinayupak kayo. Ilagay niyo kaya yung danggit clause sa terms and conditions niyo!!!

WAIT! THERE'S MORE!

Nalaman-laman ko lang, yung friend ko na kagagaling din lang nang Cebu, NAG HAND CARRY NG DANGGIT, DRIED PUSIT, CEBU LECHON at PATIS. Hindi naman daw siya hinarang whatsoever.

Kaya Cebu Pacific, PAK YU!!

Thursday, October 7, 2010

bobong masipag

May nabasa akong article, sabi don sa article na yon "fuck you daw sa lahat ng profs classmates at friends na nangbagsak or hindi naniwala sa kanya nung college. Actually, sa pag kakaintindi ko, nag masteral siya sa engineering at ngayon ay TOP RANK na. Ang reason kung bakit daw siya binagsak dati ay dahil "tinamad" lang daw siya."

OK napaisip ako don...

Minsan iniisip ko ano ba ang mas ok, sipag o tiyaga, at  galing at talino. Pag dati ka ng magaling at matalino, malamang sa hindi magiging successful ka parin. Pero dito sa pilipinas, marami mga masisipag at matiyaga pero hindi naman sila umaasenso. Sa school ko dati marami akong kaklaseng tamad, pero laging mataas ang grade.

Pero hindi ako interesado sa mga matalinong tamad dahil alam ko na magsusurvive sila. Mas interesado ako sa mga tao BOBO pero masipag na kahit anong sipag nila ay HINDI UMAASENSO.

Gusto kong patunayan sa pamamagitan ng isang scientific study (naks) na hindi porket may sipag at tiyaga e aasenso na. Kung totoo yon, edi sana ang dami ng asenso dito sa pilipinas.


*picture -- nananatili paring FEUDAL system ang pilipinas, wag na tayong mag lokohon.


galing dito ang pic

Wednesday, October 6, 2010

Mahirap ba?


-Mahirap siguro maging maganda dahil maraming manliligaw sa iyo. Mahihirapan ka na mamili sa mga boylets..phew!
Pero mas mahirap ata maging pangit dahil mahal magparetoke jokes lang,,Mahirap maging pangit dahil ang dami mong pintas na maririnig..letch lang :P

-Mahirap maging busy dahil minsan nakakalimutan mo na sarili mo...
Tapos marami na magtatampo sa iyo dahil wala ka ng time sa family mo, sa minamahal mo,,,,sus!
Pero mas mahirap maging batugan wala ka ng pera na pang gasto sa date niyo...Dami pang blah blah maririnig mo sa iyong mga magulang,,Hoy tamad magtrabaho ka na nga!pak.

-Mahirap siguro maging uber talino yung you know everything na....Tapos magiging perfectionist ka na,tapos marami ng taong maiinis sa iyo dahil pansin mo agad ang kanilang katiting na mali,,ikaw na ang genius..
Pero mas mahirap siguro yung maging tanga, yung waz know sa mundo, yung tipong di mo alam ang north and south east and west..Simple instruction lang di mo pa mafollow...Dba nakakairita din yun minsan,,yung sabing PUSH tapos iPUPULL anover di keri!

-Mahirap siguro maging mayaman noh,,Yung nag uumapaw na yung pera mo sa bangko..Tapos di mo na alam kung paano mo uubusin yung isang truck mong pera haha..bat di kaya magdonate ka nalang sa mga foundation or mag charity etchos ka mag mabuti ka pang magagawa..
Pero mas mahirap maging mahirap yung tipong isang kahig isang tuka,,,:( yung tipong pang bibili niyo na sana ng pagkain sa pamilya mo pero kulang pa dahil kailangan mong ipagamot mo yung anak mong naghihingalo na..sad....

-Mahirap siguro maging mabait,,yung tipong inaapi ka na nakasmile ka parin,,ai wait mabait ba yun or tanga lang lols~~
Yung tipong sige ok lang akong apihin basta wala lng akong inaaping tao,,Ok payn ikaw na ang may halo~~
Pero mas mahirap atang magbait baitan, yung kala mo mabait pero may masamang intensyon pala sa iyo...
Yung kala mong tutulungan ka sa problema mo yun pala gagamitin ka lng niya for his/her own good,,

-Mahirap ata maging Single ngaun lalo na papalapit ang pasko at lumalamig ang simoy ng hangin,,,weeehh aminin niyo gusto niyong may kalambingan pag malamig ang panahon noh bwhaha...:P..
Pero mas mahirap magkaron ng maraming gf/bf lalo na pag malamig ang panahon dahil matutuyuan ka,,,,matutuyuan ng funds dahil madami kang bibigyang gift..hahahaa..:P :P

Wednesday, September 29, 2010

Saturday, September 25, 2010

crushed

Falling in love is like throwing yourself in front of a moving bus. You are desperate for that person's attention, you will do anything for them to stop for you.

Falling in love is just like throwing yourself in front of a bus. Sometimes they stop for you, and take you for a ride. More often, they keep going. They either swerve away and avoid you, or hit you full on.

Falling in love is just like throwing yourself in front of a speeding bus. You allow yourself to get hit, get hurt, get crushed. And that's exactly what happened.

Wednesday, September 15, 2010

Kamera Mania.


Nung college ako narealize ko na mahilig at may passion pala ako sa pagkuha ng pictures. Kaya naman pinangarap ko na magkaroon ng camera, kahit anong brand, basta camera.  Inisip ko na magandang investment ang camera - naniniwala ako na pictures are forever. Isang step closer to sa pangarap ko na mabuhay forever.

Pero 5 months ago, sabi ko sa sarili ko, gusto ko sa birthday ko -- November 25, ibibili ko ang sarili ko ng magandang camera. Bibili narin lang ako ng camera - yung maganda na. At dahil napatunayan ko na maganda ang Canon na point and shoot, pinangarap ko na magipon para sa pinaka magandang Canon na point and shoot. Nagdesisyon ako na Canon S90 ang bibilin kong kamera dahil ito ang pinakamagandang point and shoot na available five months ago.
Pero dahil sa pagbabasa basa ko sa mga camera sites, narealize ko na  mas superior ang image quality at versatility ng slr versus kahit anong point and shoot. Kakaunti lang ang difference ng presyo ng Canon S90 at ng 1000D ang pinakamurang SLR ng Canon. Pwede ko pang palitan ng lens. At mas maraming manual controls. Kaya naman naisip ko na 1000D nalang ang pagiipunan ko.

Pero sa aking pagbabasa ng mga reviews mga SLR at sa pagtatanong ko sa mga kaibigan ko, marami ang nagsasabi na pagdating sa SLR, mas mas maganda daw ang Nikon. Halos lahat ng pinagkakatiwalaan ko ang conclusion nila ay the best ang Canon sa point ang shoot, at the best naman ang Nikon sa SLR. Kaya naman, naghanap ako ng SLR na eksakto sa budget ko. Nikon D60 ang ipinalit ko sa pangarapin. Yon nga lang phased out na pala ito.
Kaya naman narealise ko na yung hindi phased out ang dapat kong piliin at yoon ay ang Nikon D3000.
Tapos narealize ko na bat ako bibili ng Nikon D3000 eh bukod sa hindi maganda ang mga reviews ng camera na to, at hindi ako satisfied sa sample pics na kinukuha ng mga kaibigan ko. Besides,  magdadagdag lang ako ng 3k, makakabili na ako ng Nikon D5000 na halos pareho lang ang features sa Nikon D90. So sabi ko D5000 na bibilhin ko. Konti lang naman ang difference. 


 Pero recently lang, nadiscover ko ang Quiapo, meron palang mga store doon na mura magbenta ng mga DSLR na camera. Mura sa kanila dahil hindi sila nagbabayad ng pwesto sa mall. Ang source nila ay galing ng ibang bansa, at ang warranty nila at store warranty, nakakatipid ng hanggang 10k compared sa mall price, so naisip ko, since pareho lang ng presyo, yung mas mataas nalang na model Nikon D90 nalang ang bibilhin ko - pareho lang ng price kung sa quiapo ko bibilihin, mas "future proof" pa ito at mas maraming features at mas maganda ang review. Magdadagdag lang ako ng mga 7k
Malapit mag November, at naipon ko narin ang kalahati ng pera na kailangan ko para mabili ang Nikon D90 na pangarap ko. Pero ngayon may PROBLEMA akong malaki. dahil ang pangarap kong D90 maphephase out na. Noong 2008 pa kasi ito lumabas. Ngayong September, i-aannounce na ang NIKON D7000 successor ng D90, sa October, ilalabas na ito sa market. Pag dating sa features , SOBRANG Advance ng features ng D7000 ang papalit sa D90, mas mahal nga lang ng kaunti.


Ngayon, ewan ko na... dahil nalilito na ako kung ano ba talaga ang bibilihin ko na camera, parang ayaw ko na tuloy bumili. Iniisip ko din, praktikal ba na bumili ng camera ng worth almost P60,000? Sobrang daming pera non. Estudyante lang ako at 200 lang ang baon ko everyday. Lahat ng pera na ito para lang sa pangarap ko na mabuhay forever???

Sunday, September 5, 2010

ANG 21 UTOS NI BOB ONG.

1."Kung hindi mo mahal ang isang tao, wag ka nang magpakita ng motibo para mahalin ka nya.."

2. "Huwag mong bitawan ang bagay na hindi mo kayang makitang hawak ng iba."

3. "Huwag mong hawakan kung alam mong bibitawan mo lang."

4. "Huwag na huwag ka hahawak kapag alam mong may hawak ka na."

5. "Parang elevator lang yan eh, bakit mo pagsisiksikan ung sarili mo kung walang pwesto para sayo. Eh meron naman hagdan, ayaw mo lang pansinin."

6. "Kung maghihintay ka nang lalandi sayo, walang mangyayari sa buhay mo.. Dapat lumandi ka din."

7. "Pag may mahal ka at ayaw sayo, hayaan mo. Malay mo sa mga susunod na araw ayaw mo na din sa kanya, naunahan ka lang."

8. "Hiwalayan na kung di ka na masaya. Walang gamot sa t*ng* kundi pagkukusa."

9. "Pag hindi ka mahal ng mahal mo wag ka magreklamo. Kasi may mga  tao rin na di mo mahal pero mahal ka.. Kaya quits lang."

10. "Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."

11. "Hindi porke't madalas mong ka-chat, kausap sa telepono, kasama sa mga lakad o ka-text ng wantusawa eh may gusto sayo at magkakatuluyan kayo. Meron lang talagang mga taong sadyang friendly, sweet, flirt, malandi, pa-fall o paasa."

12. "Huwag magmadali sa babae o lalaki. Tatlo, lima , sampung taon, mag-iiba ang pamantayan mo at maiisip mong hindi pala tamang pumili ng kapareha dahil lang maganda ito. Totoong mas mahalaga ang kalooban ng tao higit sa anuman. Sa paglipas ng panahon, maging ang mga crush ng bayan nagmumukha ding pandesal, maniwala ka."

13. "Minsan kahit ikaw ang nakaschedule, kailangan mo pa rin maghintay, kasi hindi ikaw ang priority."

14. "Mahirap pumapel sa buhay ng tao. Lalo na kung hindi ikaw yung bida sa script na pinili nya."

15. "Alam mo ba kung gaano kalayo ang pagitan ng dalawang tao pag nagtalikuran na sila? Kailangan mong libutin ang buong mundo para lang makaharap ulit ang taong tinalikuran mo."

16. "Mas mabuting mabigo sa paggawa ng isang bagay kesa magtagumpay sa paggawa ng wala"

17. "Hindi lahat ng kaya mong intindihin ay katotohanan, at hindi lahat ng hindi mo kayang intindihin ay kasinungalingan"

18. "Kung nagmahal ka ng taong di dapat at nasaktan ka, wag mong sisihin ang puso mo. Tumitibok lng yan para mag-supply ng dugo sa katawan mo. Ngayon, kung magaling ka sa anatomy at ang sisisihin mo naman ay ang hypothalamus mo na kumokontrol ng emotions mo, mali ka pa rin! Bakit? Utang na loob! Wag mong isisi sa body organs mo ang mga sama ng loob mo sa buhay! Tandaan mo: magiging masaya ka lang kung matututo kang tanggapin na hindi ang puso, utak, atay o bituka mo ang may kasalanan sa lahat ng nangyari sayo, kundi IKAW mismo!"

19. "Pakawalan mo yung mga bagay na nakakasakit sa iyo kahit na pinasasaya ka nito. Wag mong hintayin ang araw na sakit na lang ang nararamdaman mo at iniwan ka na ng kasiyahan mo."

20. "Gamitin ang puso para alagaan ang mga taong malalapit sa iyo. Gamitin ang utak para alagaan ang sarili mo."

21. "Ang pag-ibig parang imburnal...nakakata kot mahulog...at kapag nahulog ka, it's either by accident or talagang t*ng* ka.." 

Monday, August 30, 2010

HULA or coincident lang

"I will love the light for it shows me the way, yet I will endure the darkness because it shows me the stars." -mandino (Pareng RAH's choice)

It’s just another way of saying like I will endure any pain just to be with the person you love, I will reach my goal no matter what it takes, I will see the world no matter how long it takes me to be there, and I will survive life just to live.

...

Personally, I’ve been through tough times in my life. It came to the point too that I took my own life because I was stressed out to some situations in my life in the past. I tried na ayosin ko ang buhay ko bago man dumating ang 2012 na pag-iisip ko sa sarili ko… pero parang kulang pa rin, parang lahat ng sacrifices na ginawa ko noon parang nawala na ang lahat. I always told myself na lilipas din naman to pero KAILAN?! PAANO?! That’s the usual na sinasabi ko sa sarili ko. I tried to convince myself not to do crazy things kasi hindi ako ganon and yet nagagawa ko pa rin dahil at that moment sobrang dilim yong paningin ko!

In those darkest hours of my life, unexpectedly light came in…

It’s like this…

I was really about to shoot myself that morning… I received one email from a friend at that time na naging curious ako and to my curiosity I told myself “saka na ako magpapakamatay after ko malaman kung totoo ba ang sabi niya na yon”

So I waited her to wake up and asked her…

I told her “you just want to make me feel better with your email I know but tell me honestly totoo ba yon?!”

She certainly told me that…

“I just want to make you feel better nga but that doesn’t mean na hindi totoo yong sabi ko sayo, totoo yon!”

I was really surprised with her answer and a big part of it I was really happy dahil ang minsan na nakalimutan kong naramdaman ko for her parang nabuhay bigla.

Wala lang…

And we started to have a constant communication and unexpectedly some unusual thing happened…

Hindi naman siya matanong pero one time it just came out from her to ask na…

“ano ba course mo?”

and I told her na hulaan mo…

Halos lahat na ng course sinabi niya hanggang umabot sa pagkasabi niyang...

“Don’t tell me inclined ka sa engineering?! Anong engineering ka ba?!”

I said “yeah and hulaan mo ano sa engineering field ako!”

Lahat na ng course sa engineering sinabi niya and puro lang ako sabi na “hindi yang mga sinasabi mo”

And finally she said “don’t tell me archi ka architecture”

Then I told her that “YES! I graduated Civil Engineering and Architecture!”

She answered me back “Hindi nga?! Hindi nga?! Totoo!? Wag magbiro!”

Nafeel ko kung gaano siya nataranta, nafeel ko kung gano siya parang natatakot and nafeel ko that moment yong saya yong ngiti niya and parang naramdaman kong she’s so cold hearing to what I just told her…

And I laughed and told her straight na “oo nga! Ano ba kasi ang meron?!”

Then she revealed…

She was telling me with this dream she had years way back… she keep on dreaming about it, a guy na laging nagdadala ng ruler…

… and one of her friend nong college pa siya na hinulaan siya and ang sabi bago siya mag 30 years old she will meet an architect and that person will be her fate or somehow to be her partner in life.

So ako sabi ko “owwss?” Then I added “hala ka!”

We were just laughing and I told her “it’s just a hula, coincident lang yon… relax!”

To me it was nothing, REALLY! Kasi she’s into a relationship at that time and ako naman yon ang mga panahon na hinahanap ko rin ang sarili ko, binubuo ko ang sarili ko dahil wasak nga ito.

We ended the conversation pero honestly may “goosebumps ako!”

So parang wala lang nangyari… nakalimutan na namin yon.

Until one morning I woke up I felt something different but was not telling her because I know the situation, basically it can’t be the two of us and at that time AYOKO na talaga dahil I felt like I was born to be hurt lang.

prior ang lahat ng mga napag-usapan, nangyari we have communication pero hindi madalas, bihira lang din kami mag-usap, hindi naman ganon kami naging close, naging close lang kami na parang isang araw lang noon… yong araw na naisipan kong mag 2012 na ang buhay ko. Dati may gusto na ako sa kanya pero I was thinking na may asawa siya so ang taas nga ng expectation ko kasi ang ganda niya sobra. One time nakita ko lang yong facebook account niya na ang profile pic niya eh kasama niya yong long time boyfriend niya, hindi naman ako nagselos kasi wala naman dahilan pero sobrang nadisappointed lang ako dahil honest to goodness ang nasabi ko that moment eh “ay ano ba yan disaster hindi sila bagay! She’s too pretty for that guy!” so wala lang since then ayaw ko na siyang kausapin dahil sobrang nadisappoint lang ako talaga yon lang yon!

I don’t believe on magic but it happened… I don’t know where, when and how it all started between us…

Until one day we both decided to fight what we’ve got for each other, until one day we both realize we love each other, until one day we both realize that we’ve been thinking about each other… everything has been changed without us noticing it.

When we both decided to be with each other parang nag-suicide kaming dalawa… dumaan talaga kami sa butas ng karayom. We didn’t mean to hurt somebody else just to be happy, nagkataon lang that the fate we chose eh ganon ang situation. Mahirap kasi we know may nasasaktan, may nagagalit and walang araw na dumaan na hindi kami nahirapan, nasasaktan, nagagalit, napipikon pero still parang wala kaming karapatan to feel that way dahil we know may mali but we fought the love we had for each other. We always secured each other that at the end of the day we still have each other, that we will make it through until everything will fall into its proper place.

Dumating din ang araw na natapos ang lahat… naging tahimik and both parties pero nagtagal din ng mga three months mahigit, ang hirap pero lagi nga niyang sinasabi sa akin na dati na “I will endure any pain just to be with you, kahit paulit-ulit pa akong masaktan I will still endure it because of the great love I have for you!”

We went through together sa darkness ng buhay namin pero we secure na one day we will still find that light and mahanap din naman ang daan na maging tama na lahat ng mali, matapos na ang mga pagkakamali in the past and IT HAPPENED!

Masarap ang feeling na dadaan ka sa hirap before you will taste the sweetness of life. Mas inalagaan namin ang isa’t isa dahil alam namin hindi madali ang pinagdaanan namin just to have each other now. Hindi madaling masaktan na sabay nagmamahal ka rin. In this lifetime we have now, mas nabigyan namin halaga ang isa’t isa at mas naintidihan namin ano ang ibig sabihin ng relationship and mas naintindihan namin anong ibig sabihin ng salitang pagmamahal… isa lang yan ang alam namin SACRIFICE! After all the sacrifice we have… we endured it… we lived with it… learned with it and now we see the light after the darkness we went through.

I thank you! (bow) hahahaha


Friday, August 27, 2010

Sorry Na phoE

Sinubukan ko pumunta sa hate page ng mga chinese sa facebook regarding the Quirino Hostage Drama. My gulay. Galit na galit talaga sila. Eto ang link.

Maraming mga noypi ang nagsosorry. At marami din mga taga Hong Kong ang napapa fuck you etc. etc. etc. Yung mga ibang sinasabi nila hindi ko na maintindihan chinese characters kasi.

Kaya naman nagcomment ako. Sabi ko...

"Churi na pho3. whaag nah pho3 keheo g4lit. P43ce na poh tau. Churi N4 pho. "

Isa sa mga mejo magaling magingless eh si Allen Lin, since public naman ang page na yon, ipopost ko nalang dito ang example ng kung gaano sila kagalit:

Allen Lin oh. sorry I am not from Philippine and I don't need to know how to spell "FILIPINOS" OR so call "PINOY". Luckily, too many Filipino working in Hong Kong already cause a lot social problem FYI. If you can spell so good why don't you be politician in Phillipine and make your country more efficient and less corrupt so "NO ONE GET KILL OR ROB".

Allen Lin Another proven fact that Philippine law enforcement not only retarded, untrained, and coward. They also steal from dead bodies. Luckily, I am not Filipino. How come I am not surprise all the valuable belonging are disappear from victim's dead body. Yes, I am unfortunate soul, but still better than people like you got no "SOUL".

Allen Lin Hello!! this is the fact!! Chinese people live in Philippine get rob, kick nap, and kill. As of today no Filipino get kill, rob, or kidnap in Hong Kong. Filipino lives in Hong Kong are protect by the law and integrity. Chinese people liv...e in Philippine needs to pay for protection?? and no law to protect us. Now who is more racist. It is easy to hide behind the "Racism" topic to dilute people's attention.
It doesn't matter if I am making idiot of myself or not. THIS IS FREEDOM OF SPEECH. I speak whatever I want to say and choose not to be hypocrite.

Mejo hindi ako nakapagtimpi ng konti at kahit na pigil na pigil na talaga ako, HINDI ko parin napigilin na magreply sa thread.

Rah: If you insist on making this a RACIAL issue Mr. Allen Lin, you are making an idiot out of your self. Fortunately your public display of ignorance and stupidity is an isolated case. Your narrow minded way of thinking should be ignored.

And fortunately nagrespond naman siya.

Allen Lin FYI: Rah <---- response niya eto sa sagot ko sa kanya.
1. I don't hate Filipino, but I am sure angry.

2. For past years Chinese people always are targets at Philippine and I don't see any improvement from Philippine gov't. I am so angry.

3. Sure Filipino in Hong Kong are innocent and nothing to with this tragedy, but issue must escalate to diplomatic and political level to pressure Philippine gov't. Stop issuing visa to Filipino worker is one way to pressure Philippine gov't. We can't just simply accept the apology and let go this issue. Philippine system needs to be change, law and order must be enforced.

4. I don't regret the comments I make for Philippine law enforcement. Who the hell will take a big smiling picture in the crime scene when 10 people got kill? and why students can take picture in crime scene like nothing happen? Why valuable belonging from dead people are disappear? Why Philippine police arrest Mendoza's family to make him go insane? there are too many reasons I can get angry but certainly not racism.

Lam mo, hindi ko talaga sila mablame kung bakit sila galit na galit. Paano ba naman sila hindi magagalit sa mga picture na to?






















Hindi talaga enough ang sorry. Dapat umeffort din.

Wednesday, August 25, 2010

Ten things the Philippines bus siege police got wrong


Crouching police
A security analyst who has worked in counter-terrorism with the British Army and Scotland Yard, Charles Shoebridge, says the officers involved in Manila's bus siege showed great courage - but they were not properly trained or equipped for the task.

Here are 10 areas where, in his view, they could have done better.

1. Determination

Philippine police end Manila bus hijack
The first officers who tried to storm the bus were driven out by gunshots from the hostage taker, former policeman Rolando Mendoza. "They showed great courage to go on board. It's very crowded, just one aisle down the middle of the bus. But once you get on board it's not unexpected you are going to be fired at. Squads like this have to be made up of very special people, specially trained and selected for their characteristics of courage, determination and aggression. In this case they acted as 99% of the population would have, which was to turn round and get out. They didn't seem to have the necessary determination and aggression to follow the attack through."

2. Lack of equipment
The police spent a long time smashing the windows of the bus, whereas explosive charges (known as frame charges) would have knocked in windows and doors instantly. "They had no ladders to get through the windows. They smashed the windows but didn't know what to do next," Mr Shoebridge says. "They almost looked like a group of vandals." Their firearms were also inappropriate - some had pistols, some had assault rifles. Ideally they would have carried a short submachine gun, suitable for use in confined spaces.

3. Lost opportunity to disarm the gunman
Negotiators Mendoza's gun was not always raised
There were numerous opportunities to restrain the gunman, Mr Shoebridge believes. "The negotiators were so close to him, and he had his weapon hanging down by his side. He could have been disabled without having to kill him."

4. Lost opportunity to shoot the gunman
The video of the drama also shows there were occasions when the gunman was standing alone, during the course of the day, and could have been shot by a sharpshooter. "You are dealing with an unpredictable and irrational individual. The rule should be that if in the course of negotiations an opportunity arises to end the situation decisively, it should be taken," Mr Shoebridge says. Either this possibility did not occur to the officers in charge, he adds, or they considered it and decided to carry on talking.

5. Satisfying the gunman's demands
"I wondered why the authorities just didn't give in to all of his demands," says Charles Shoebridge. "A promise extracted under force is not a promise that you are required to honour. Nobody wants to give in to the demands of terrorists, but in a situation like this, which did not involve a terrorist group, or release of prisoners, they could have just accepted his demands. He could be reinstated in the police - and then be immediately put in prison for life for hostage taking." The Philippines authorities did in fact give in to the gunman's demands, but too little, too late. One message promised to review his case, while he wanted it formally dismissed. A second message reinstating him as a police offer only arrived after the shooting had started.

6. Televised proceedings
The gunman was able to follow events on television, revealing to him everything that was going on around him. This was a "crucial defect in the police handling", Mr Shoebridge says. He adds that police should always consider putting a barrier or screen around the area, to shield the scene from the cameras and keep the hostage taker in the dark.

7. No element of surprise
It was clear to the gunman what the police were doing at all times, not only because the whole incident was televised, but also because they moved "laboriously slowly", Mr Shoebridge says. The police did not distract him, so were unable to exploit the "crucial element of surprise".

8. Safeguarding the public
Injured bystander This boy, a bystander, was hit by a stray bullet
At least one bystander was shot, possibly because the public was allowed too close. The bullet from an M16 rifle, as carried by the gunman, can travel for about a mile, so preventing any risk of injury would have been difficult, Mr Shoebridge says, but a lot more could have been done. "When you saw the camera view from above, it was clear there was little command and control of the public on the ground," he says.

9. Using the gunman's brother to negotiate Relatives and close friends can be a double-edged sword, Mr Shoebridge says.
While they may have leverage over the hostage taker, what they are saying cannot be easily controlled. In this case, the gunman's brother was included in the negotiations - however, at a certain stage he became agitated and police started to remove him from the scene. The gunman saw this on television, and became agitated himself. According to one report he fired a warning shot.

10. Insufficient training
In some parts of the Philippines, such as Mindanao, hostage taking is not an uncommon occurrence, so the country has some forces that are well trained in the necessary tactics. The detachment involved in Monday's incident clearly was not, says Mr Shoebridge. After smashing the windows, one of the officers eventually put some CS gas inside, though "to what effect was not clear" he says. A unit involved in this work, needs to be "trained again and again, repeatedly practising precisely this kind of scenario," he says.

from http://www.bbc.co.uk/news/world-asia-pacific-11069616

Tuesday, August 24, 2010

anong major major problem ang naencounter mo sa buhay mo, and how did you solve it?

anong major major problem ang naencounter mo sa buhay mo, and how did you solve it?

Answer here

Monday, August 23, 2010

Tadhana

Naniniwala ako sa tadhana.
Sa makatuwid, maaaring ang mga tao na naniniwala
na nasa kamay nila ang kapalaran
ay daig pa ang nagbubulagbulagan?
Kung tutuosin:
Kung mga bagay na nasa palad mo 
mas sigurado ang mga bagay na hindi mo hawak:
tulad ng bukang liwayway, 
tulad ng takipsilim,
tulad ng pagusbong ng buhay,
tulad ng pagdating ni  kamatayan.

Sunday, August 15, 2010

Corny vs Baduy


Love is madness!
Lahat ng nagmamahal tanga! 
Pero kung tutuosin, wala naman matalino pag dating sa pagibig. 
Dahil ang pagiging matalino at pagmamahal ng sabay ay hindi romantic.
Ang taong hindi romantic ay corny. 
Ang taong romantic ay baduy. 
Kung papipiliin mo ako kung anong mas maganda, corny or baduy - mas pipiliin ko yung baduy.

Sunday, August 8, 2010

Ayy Bol

! Pictures, Images and Photos

Hindi ko alam ang eksakto kong naramdaman ng sinabi mong gusto mo na akong makita ng personal.
Parang tumigil saglit sa pag-ikot ang aking mundo ng mga sandaling iyon.
Bumilis ang pagtibok ng aking puso, pinagpawisan ng malamig at natulala ng bahagya.

Nahihiya kasi ako sa iyo na makipagkita. Una, ang guapo guapo mo para kang si Papa Piolo.
Kapag pinagtabi tayo para lang akong alalay mo.
Pangalawa, natatakot ako baka kapag nakita kita lalo akong magkagusto sa iyo ng bonggang bongga.
Sa larawan mo nga lang gustong gusto na kita paano nalang kaya sa personal.
Pero sa totoo lang kinilig ako noong ikaw na mismo ang nagsabi na makikipagkita ka na sa akin.

Sige, kahit nahihiya ako pumayag na akong makipagkita sa iyo sayang din ang pagkakataong ito.
Naku po tiyak mag-aayos ako nito ng hindi mapahiya sa iyo. Baka kasi may makasalubong kang kaibigan mo habang kasama ako nakakahiya naman diba kapag mukha akong pulubi.

Isang araw bago sumapit ang takdang araw ng ating pagtatagpo naghanda ako ng ng konting kaartehan sa katawan.
Magpapa "BELO" sana ako kaso kinapos pera ko kaya nag "CALAYAN" nalang ako. Pinakiskis ko lang naman ang aking mukhang paboritong tambayan ng mga tagyawat.
Pagkatapos noon nagpakulay ako ng aking mga kuko sa paa at kamay doon sa "POSH NAILS" Itim na kulay sana ipapalalagay ko kaso baka masyadong mahalata mo kaya kulay Pula nalang pinili ko.
Umuwi na ako ng bahay pagktapos noon para makapaghanda ng susuutin ko kinabukasan.
Natulog ako ng maaga para hindi mapuyat at gumanda naman kahit sandali ang kutis ko.

Dumating na araw na aking pinakahihintay.
Linggo ng umaga, parang biglang sumakit tiyan ko sa kaba.
Pinakalma ko ang aking nangangarag na katawan.
Naligo na ako.
Nagpabango.
Nagbihis ng aking paboritong damit.
Naglagay ng konting pampapula sa labi para naman hindi mo mahalata kung mamutla man ako habang kausap ka.
Hindi na ako naglagay ng pampapula sa pisngi tiyak mamumula pisngi ko kapag kaharap na kita.

Pumunta na ako sa ating tagpuan.
Pasensya ha nahuli ako ng 5 minuto kakahiya man pero ni minsan kasi hindi ako dumadating sa eksaktong oras kung may katagpo ako. Isa pa nahirapan akong pumili kung anong susuutin kong hikaw na babagay sa aking damit.

Sa wakas nagkita na tayo.
Ang guapo mo sa personal.
Ang ganda ng iyong ngiti at ang bango bango mo.
Habang minamasdan kita hindi maalis sa mukha ko na mangiti.
Para lang akong nananaginip habang kausap kita.

Biglang may inabot kang puting sobre sa akin.
Tinanong kita kung ano iyon.
Pero hindi ka sumagot ang tangi mo lang sinabi sa akin ay basahin ko.
"Wedding Invitation card?, Sinong ikakasal?"
"Ako"
"Seryoso?"
"Oo"
"Ang swerte naman ng mapapangasawa mo"
"Mas ma swerte ako kung ikaw iyon"
"Huwag mo nga akong binibiro"
"Hindi nga, basahin mo kasi kung anong nakasulat diyan"
"Sige, oh bakit walang petsa ng kasal at walang pangalan ng aasawahin mo"
"Kung papayag ka na maging girlfriend ko ngayon, tiyak pangalan mo ang mailalagay diyan balang araw at iyon ay kung iyong mamarapatin"

At biglang tumunog ang aking alarm clock
"Lintik na panaginip akala ko totoo na"

Haysss......
Ayun nag prepare nalang ako ng bonggang bongga para sa aming mating este meeting pala hahahaha......
Makikita ko na si Kachat mamaya sana yung panaginip ko maging totoo kahit 1 second lng para naman kiligin ako na parang tinedjer lols~~
Poootragess na pag-ibig,,,
Di ko pa nga nakikita eh nainloves na si Ako sa kanya haha..

Goodluck namen sa aming pagtatagpo............










Wednesday, July 28, 2010

Anak sa labas

Napalihis ng unti sa lesson (Violence Against Women and Children ang topic). Talagang nawili prof namin sa kakasabi kung ano dapat namin gawin. Kung babae, magkatapos bugbugin, magdemanda na. Sa mga lalake, kung may kabit at may anak sa labas...e ano ba dapat gawin (sustentuhan)?


Prof: So anong gagawin niyo sa anak sa labas?
Estudyante: E di papasukin po, sir.








Oo nga naman. Haha!

Thursday, July 15, 2010

Lunch Break

Matapos ka kumain ng tanghalian, na parang last lunch na ito ng buhay mo at ang pag ngasab mo sa kanin na sinabawan ng malapot na sabaw ng kare-kare at sinamahan pa ng twist sa lasa ng maalat-alat na bagoong at sabayan mo pa ng isang litro ng iced cold coke at isang pint ng chocolate cake dryers ice cream na panghimagas–

Nakaramdam ka na ba ng ganitong pakiramdam?

Nakaharap ka sa computer, at nagtatype ng report na ipapasa ng hapon, ng biglang nakaramdam ka ng isang napakabigat na pakiramdam na feeling mo may gustong kumawalang turnilyo sa gilid ng ulo mo at unti-unting nakakaramdam ka ng pagbigat sa iyong mga mata at ang ulo mo ay bumababa ng hindi mo na macontrol hanggang sa maiuntog mo na ito sa keyboard.

Magigising ka bigla. Lilingon sa paligid kung may nakakita ba ng kabalbalan na ginawa mo, laking pasasalamat na busy-busyhan din ang drama ng karamihan. Magkukunwari ka ulit na nagtatype. Click dito, click duon. Titig na titig ka sa monitor ng dahan-dahan ding nawawala ang malakas na pindot sa bawat letra sa keyboard na parang nag auto-switch sa mute mode. Isang nakabibinging katahimikan na wala ka na naman sa ulirat at ang talukap ng mga mata at ulo ay bagsak na sa kawalan.

Hanggang sa namalayan mo na bumabagsak na ang iyong mga kamay, duon ka lamang matatauhan muli at lilingid lingid ang paningin kung may nakakita ba sayo o wala. Uupo ka ng tuwid lapat ang likod sa back rest ng upuan. Parang walang nangyari. Balik sa trabaho.

Makalipas ang ilang minuto…

Napasipa ka! Swak ang tama ng paa mo sa pader ng cubicle mo na nag create ng malakas na BLAG!


MICROSLEEP.

Ang tawag sa tulog na gusto mong ihiga ng mahimbing pero hindi mo magawa.


Monday, July 12, 2010

random thought....

how can you learn not to love someone, when entire being tells you otherwise...?

Monday, July 5, 2010

Randomness: Horror


BABALA: Huwag BASAHIN kung IKAW ay MATATAKUTIN......




Wala akong intensyon manakot kwento lng ito ng aking mga karanasan sa multo mode...
Salamat sa inyong pag-unawa



Shocked XD Pictures, Images and Photos

Naniniwala ka ba sa multo?
Ako slight mode~
Kasi naman nung bata pa ako hang dami ko ng experiences sa mga multo mode ewan ko ba kung totoo yung mga nakikita ko or hibang lang ako nung mga panahong iyon...

*Nung nasa manila pa kami, mga grade 2 ata ako nun..Tuwing gabi sa sala ako natutulog kasi isa lang yung room namin nun,,so poor noh haha...
Eto every 12 midnight may naririnig akong yung parang naglalakad *tok tok tok ...
Deadma ko yun ng mga ilang araw kala ko kasi yung kapitbahay lang namin na laging umuuwi ng late...
Pero one time na curious na ako kasi naman di na ako makatulog ng maayos naiistorbo na ako sa ingay..
Sinilip ko sa bintana...
At viola isang black lady nakita ko promise im not joking..
long hair cya, naka black dress, nakapayong weird noh hating gabi di umuulan at nakapayong at parang nakalutang lng cya...syeet goosebumps inabot ko nun,,,
Simula nun kahit masikip dun sa kuarto nila mama eh nakipagsiksikan na ako,,,mamatay ako sa nerbyos pag sumasapit n yung 12 midnight eh,,
Kinwento k kila mama yung nakita k pero ayaw nlang maniwala,,,,baka daw guni guni ko lang,,,hello ma di po iyon guni guni....

*Grade 4 ako, dito na kami sa davao nun, kasama ko sis ko matulog sa room, ewan ko ba sadyang malakas pandinig ko tuwing gabi nyahaha,,,
Kasi one night, biglang narinig k nlng bumubukas yung cabinet namin,,,hayss eh ako naman ignore ko lng baka kasi nakalimutan lng ilock ng sis ko nung kumuha cya ng damit,,,
Kaya ginawa ko next night before matulog sinugurado kong nakalock n yung cabinet as in double lock..Pero kamusta bumubukas pa din ang cabinet,,,di na ako tumingin sa cabinet yaw ko na takot na ako,,,tinabunan ko nlng ang aking fes ng unan at nag pray,,,
Kala ko nga nananaginip ako eh kaso the next morning tsinek ko yung cabinet nakabukas talga,,,haysss....

Ito pa, grade 4 din ako nun, ako lng isa sa sala nun. nsa likod ng bahay sila mama at mga kapatid ko that time...Saktong kukunin ko na yung tuwalya ko nun na nakalagay malapit sa kuarto eh kamusta isang batang girl na naka red, para cyang doll,,,pootragess windang ako nun as in nagface to face kami mejo maliit nga lng sya sa kin konti....
as in bonggang bonggang sigaw inabot ko nun habang papalabas ng bahay,,,tinanong ako ni mama ano daw nangyari sakin,,sabi ko may nakita akong batang girl na nakapula malpit sa kuarto...ayun pinuntahn ni mama pero wala n cyang nakita...

*3rd year hskul ako, dont worry pips last na to haha....Katabi kami ng sis ko ulit nun, mag mamdaling araw na ata nun ng mapansin ko wala na sa tabi ko ang fave kong unan,,siyempre hinanap ko di kasi ako nakakatulog pag di ko katabi yun eh...
Eh madilim so kapa mode nlang ako nyahaha,,,pero napansin ko bakit 3 na kami sa kama,,,kala ko nahihibang ako..binilang ko talga may pang 3 taong nakahiga pagitan namin ng sis ko,,,syeetttt..nakita ko yung LoLA ko na namatay na...eh saktong wala ako nung namatay siya kasi nasa bacolod ako nun...para akong mahheart attack sa nakita ko hahaa...
Kinabukasan tinanong ko sis ko ano itsura ni Lola sa kabaong...ayun kinuwento nya,,,,
Kamusta yun din ang saktong itsura na nakita ko...same clothes,at ayos ng hair...


Haysss ewan ko ba tuwing naaalala ko yung mga expriences n yun kinikilabutan pa din ako ng bonggang bongga,,,marahil yun din ang isang reason bakit di ako dati makatulog mag-isa...hehe...

Wednesday, June 30, 2010

monologue

Nakakainis.

Minsan, kapag payday, imbes na matuwa ka at isipin ang lahat ng luho mong mapagbibigyan mo na naman, ang pumapasok sa isip mo eh ganito na lang ba ang buhay ng tao, maghintay ng payslips?

May times talaga na ang isang buong sweldo ay dadaan lang from ATM straight to different destinations: rent sa apartment, regalo sa Father's Day, budget sa food and groceries, pamasahe at extra money para pantawid sa next payday.

Makaipon man, hindi naman magalaw, lalo kung sa luho lang igagastos. Sayang ang pinag-ipunan. Hindi maeenjoy ang luho knowing na binawasan ang pera sa bank para lang dun.

Kaya hihintayin na lang ang next payslip. Tapos surprise! May emergency gastos.

Nabuhay na lang ba ang tao para magtrabaho?

Money does make the world go round. You can disagree with me all day, pero hindi iikot ang mundo mo kung wala kang pera.

Ang tao hindi lang sa tinapay nabubuhay? Yeah right. Sige alisin lahat ng pera pambili ng food. Sino tutulong sayo, magulang mo? Nakakahiya humingi ng pera sa kanila kung may trabaho na. Kaibigan? Oo pero utang. Kapitbahay? Good luck.

Mas mahalaga ang mga bagay na hindi nakikita keysa sa pera? OK, mas mahalaga ang love? Anong need ng tao ang sinasatisfy ng love, hindi ba self-actualization whatever according to Maslow's Hierarchy of needs. At hindi ka aabot dun sa self-actualization kung hindi na-satisfy ang basic need, which is pagkain, shelter, etc.

Sooner or later, kakainin mo ang sinabi mong "Hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao", or hindi ka kakain at all.

Kaya OK ang magkaroon ng trabaho, ng more-than-enough na sweldo. Para mag-ipon. Magbanat ng buto para magkapera.

Nagbabayad ka ng SSS, PAGIBIG, Philhealth, para pag nagkasakit at namatay ka sa pagbabanat ng buto, may sasagot sayo.

Come to think of it, ang pinag-iipunan mo eh ang sarili mong puntod.

Hindi mo maenjoy ang sweldo mo. Sa utak mo, dini-divide mo na ang pupuntahan ng bawat libo.

Nagtitipid ka sa araw ng payday.

Nakakainis.

Saturday, June 19, 2010

the air they breathe


working in a company for almost four years is no joke. since the first day i stepped on that office, i was "their" favorite. Let's just say that those people really really like to gossip and seems to live thier lives prying on other people.


They seem to hate others like hell. They only see what they want to see. for example... one department has 3 boys, and they are my barkada. since we're all close... they said that, "siguro boyfriend mo sya. close kasi kau"... and "ikaw ah sinu ba tlaga sa knila?" so highschool dont you think? and if im on travel (official bussiness trips) they will say... "oh san nmn ang gala nyo? kayo ah panay bakasyon"


during lunch time, i also heared from people that they talked about our lives. like me in particular is so maarte and noisy evertime i go down in their department. that i have a lot of boys around. geez!!! they even asked the utility personnel to listen what were talking about in our department. we were always suprised that everytime we plan to hangout, they always know where were going. AMAZING! its like the walls have ears.


people in this company lives thru gossip, its the air they breathe. their habit of talking about the lives of others, insulting and making fun of them in the process is really getting out of hand. one of our officemate of was accused of being a quirida of someones husband. thanks to the story they made out of wrong judgement, the wife called to the office and gave her a life threat!


in the company where im working for four years, im still learning. knowing less means your safe, and minding your own business is a priority. to hell with all their nasty rumors and stories with no proof. i pity them really. its seems that theres nothing good in thier lives that they enjoy talking about others.


i just do pray that, they would just stop!

Friday, June 18, 2010

Tent

Kahapon, pumunta akong school para kunin ang mga pinaphotocopy ko sa may mendiola. Galing ng Legarda station, dumaan ako sa gilid ng estero. Ang taas ng tirik ng araw, tagaktak ang pawis ko.

Nung nakuha ko na ang readings ko. Bumalik na ako sa Legarda train station. Kailangan ko ulit dumaan sa "parehong" gilid ng estero na dinaanan ko nung pumunta ako ng mendiola.

Lahat ng estudyante doon dumadaan. Mabaho ang maitim na tubig ng estero na nilagyan lang ng railings. Ang daanan ay kasing lapad lamang ng isang masikip na eskinita. Sa kabilang  banda, may construction na nagaganap, may tinatayo na isang maliit ng gusali. Nagmamartilyo, naghihinang at nagkakabit ng mga bakal ang mga karipintero. Maingay, magulo, mabaho, busying busy ang daanan na ito, na sinasabayan pa ang tindi ng sikat ng araw.

Nung malapit na ako sa istasyong ng train, meron akong nakitang tent na bahagyang natatakpan ng tarpaulin. Meron isang ale na kumakain ng tuyo sa gilid. Naaninag ko din na mayroong maliit na podium. Sa podium na yon, merong mga deck ng  braha, meron din parang notebook. Tumingin tingin pa ako, at nakita ko na merong ding kandila at cardboard na box na may nakasulat na "donation". Tumingin-tingin pa ako at saka ko lang nadiskubre kung ano talaga ang nasa loob ng tent.

Kabaong.

Bilad sa init ng araw na sumisingaw sa loob ng tent ang puting kabaong na ito. Walang halos nagbabantay. Nakaratay sa gilid ng estero, at halos sa tabi ng isang construction site. Nadadaan-daanan lang ng mga estudyante at ng iba pang mga tao na tila wala naman pakialam, at kung may pakialam man, hindi naman nila alam kung anong gagawain nila.

Pumasok ako sa tent. Hindi ako napansin ng ale. Tumayo ako sa harap ng kabaong at nakita ko ang bangkay ng isang babae.

Ipinagdasal ko siya.

Kinapa ko ang bulsa ko kung meron pa akong natitirang pera. Hinulog ko nalang ito sa donation box.

Nung ako ay paalis na, saka palang ako napansin ng ale na kumakain ng tuyo na nadoon pala ako. Tila yata nagulat siya na matagal na ako nandoon. "Salamat." Sabi niya.


"Nakikiramay po."- yon na lamang ang nasabi ko habang papalabas ng tent.

Thursday, June 17, 2010

randoms pt. 1: girls

Makapag-randoms nga rin...
  • In-add ako sa Facebook nung kaklase kong babae nung Grade 2, si Rika. Uhugin sya noon. Umulan man o umaraw, may uhog sya sa pisngi. Sya ang patunay na there are two constant things in life, CHANGE at COLDS. After seventeen years, ngayon ko na lang sya uli nakita. Pilit kong inaaninag sa picture nya kung may uhog pa rin ba sya. Hindi ko tuloy agad napansin ang malaki at bilugang "tumor" sa tiyan nya.

    Ganyan talaga ang buhay, ang uhugin noon, mukhang "nauhugan" ngayon if you know what I mean.

  • Nakapila ako sa KFC kanina, pumila ako sa likod ng isang babaeng mataba. Ang tagal ng order nya, nagbukas na ang kabilang counter kaya lumipat ako, at nag-order ng 1-piece. Wala na raw thigh part kaya tinanggap ko na ang leg.

    Habang hinihintay ang order ko, naririnig ko ang diskusyon ng babae at ng crew. "Anong walang big parts? That's impossible, I can't believe walang big parts! Check again!"

    Umalis yung crew, pagbalik kasama ang Manager. "Did I ask for your Manager? No!" Nag-apologize ang manager, wala pa raw talagang naluluto kasi naubos agad at kakasalang pa lang ng bagong batch. Dumating na ang order ko, naupo na ako at kumain.

    To cut the long story short, tapos na akong kumain at paalis na ako ng KFC, ang babaeng mataba, nakapila pa rin. Isang araw, ikamamatay nya ang kaartehan nya. Kung ako ang crew, sisiguraduhin kong big part ang mapupunta sa kanya. With a little extra.

  • Nakachat ko ang bestfriend kong babae sa Facebook. Nagpapatulong sya, paano nya raw ba sasabihin sa kaibigan nyang babae na ayaw nya na maging kaibigan yung babaeng yun.

    Akala ko madali lang, hindi pala. Inabot kami ng kalahating oras, at hindi pa rin namin nasosolve ang problema nya. Ang solusyon eh magparinig sa Facebook status message. Haizt. Major crisis.

Tuesday, June 15, 2010

Sulat



Isip wari'y lumilipad at napadpad sa kawalan
Tulala ngunit may luhang dumadaloy saking mukha
Di ko alam kung bakit ko pa rin nararamdaman ang sakit na matagal na dapat ng kalimutan.

-----
Kanina habang ako'y naglilinis ng aking mga gamit
Nakita ko yung kahon na matagal ko ng tinatago at di nabubuksan.
Ang kahon na pinaglalagyan ng mga sulat mo
Ang mga sulat na matagal kong tinago at di magawang itapon o sunugin.
Ang mga sulat kung san nakasulat ang mga pangako mo na di natupad
Ang sulat na may mga linyang tumatak saking puso't isipan.

Naalala ko pa ang unang sulat kong natanggap
Ang saya saya ko nun dahil di ko inaasahan na makakatanggap ako ng sulat mula sa iyo...
"Ikaw ang unang babae kong minahal at ako'y nagpapasalamat sa wagas na pag-ibig na iyong pinadama"..Malayo man tayo sa isa't isa asahan mong mamahalin kita gaya ng pagmamahal mo sakin.Pinapangako kong magiging tapat ako sa iyo gaya ng pinangako mo sakin.

Para akong nasa alapaap habang binabasa ko ang unang sulat na aking natanggap. Halos oras oras binabasa ko yun ng paulit ulit. Ninanamnam ang matamis na mensahe nito.

Halos lingo lingo may sulat akong natatanggap mula sa iyo.
Linggo linggo pinapahiwatig mo ang iyong wagas na pag-ibig sa mga sulat mo.

Ngunit ilang araw bago sumapit ang ating unang anniversary may natanggap akong sulat mula sa iyo......
Dali dali ko iyong binasa dahil matagal tagal na din di ako nakatanggap ng sulat mula sa iyo..(Sinulatan kita pero di ka naman sumagot. Nag-alala na ako sayo nun pero di naman kita mapuntahan kung nasan ka nun dahil ang layo mo sa kinalalagyan ko)
Habang binabasa ko ang sulat mo di ko namamalayan tumutula na pala ang luha ko,
Di ko namalayan nasasaktan na pala ako
Di ko namalayan na iyon na pala ang katapusan ng pag-ibig mo para sakin.

Sa mga pagkakataong yun di ko alam ang aking gagawin
Di ko alam kung sino ang aking sisihin
Nagkulang ba ako?
Nagkasala ba ako?
Ano bang maling nagawa ko o sadyang hanggang doon nalang talaga...

------
Kaya ngayong araw na ito, pagkalipas ng 1 taong pagkakatago ko sa inyo
Eh palalayain ko na kayo kasabay ng paglaya sa nakaraan
Oo, 1 taon akong nakulong sa nakaraan
1 taong pilit hanapin ang aking sarili ngunit ako'y nawawala pa rin
1 taong pilit ihakbang ang aking mga paa paabante ngunit hinihila ako ng kahapon.

Pero ngaun matapang ko ng haharapin ang katotohanan
Ang katotohanang wala na talaga
At kailangan ng magpatuloy sa aking buhay.....

Sa pagsindi ko ng apoy sa mga sulat na matagal kong tinago eh ay ang aking pamaalam sa IYO.
Sa iyo na aking minahal ng lubusan
Sa iyo na aking pinagkatiwalaan
Sa iyo na naging inspirasyon at nagbigay kasiyahan
Sa iyo na unang nagpatibok at sumugat saking puso
Sa iyo na nagbigay sakin ng lakas tuwing ako'y nanghihina
Sa iyo na nagdulot ng sakit at hapis

Paalam Sa Iyo at sa mga Sulat mo na nagbigay ngiti at luha saking puso't isipan.



Pasukan na naman!

Magpapasukan na naman. Magraaral na naman ako. di pa nga ako nakakapahinga at nakakapagbakasyon mula nung mga klase ko nung tag-init, ay magkaklase nanaman.

Pumunta ako sa iskwelahan para mag-enrol. Napaka-init ng panahon. Napakatindi ng sikat ng araw. Kakaligo ko lang ay parang naligo na naman ako sa pawis. Ang haba ng pila sa Dean's office, ang daming tao. Nakakainis ang mga guard, parang walang sistema ang pagpila. May numero daw, ngunit wala naman akong nakikitang numerong ibinibigay. Buti na lang ay nakita ako ang mga kasamahan ko sa Bar Operations Committee. Pinauna kaming papasukin sa loob upang makapag-enrol. Napakaswerte ko at isa ako sa kanila. Ngunit kailangan daw namin magcollate ng gabundok na notes para sa mga barrista. Ang haba ng prosesong dapat gawin, pagkuha ng clearance, pagkuha ng enrollment form, pasulat sa napakahabang inpormasyon, pagpila sa pagrerehistro ng mga subject na kinuha mo, pagpapa-approve sa napakasungit at nakakatakot na administrator, pagpila sa encoding, pagpila sa cashier, at ang pinakamadali at huling huli, pagpaparehistro sa library.

Ang saya ko ng matapos ko ang page-enrol. Parang natapos ko ang nakakahilong proseso sa loob ng buong hapon lamang. Buti na lang ay may mga kasabay akong mga kaibigan na nging mga klasmeyt ko sa ibang subjects dati. Nakakalungkot lang dahil ang mga kachokaran ko na sina Mr. Panda at Kiel ay hindi ko magiging kaklase sa kahit anong subject.

At ngayon, malalaman ko pang mali sa schedule ko pag sabado dahil magkakaroon ng problema sa pagpapapraktis ko ng wushu. Kaya bukas na bukas ay magpapalit ako ng subject pag sabado...sana naman ay may subject pa akong pwedeng isingit pag sabado...hay! Buhay mag-aaral nga naman...